Naranasan kong magpaalaga ng anak sa iba, hindi naman totally sa ibang tao, kundi pamilya ng asawa ko.
Kailangan kong magwork, dahil gusto ko talaga at para na din makatulong, kaya ang ginawa naming mag-asawa lumipat kami sa kanila para may magbantay ng anak namin at malapit din sa work ko. Pero, isang gabi sabay kami umuwi ng asawa ko. Nagulat na lang kami ng makita yung anak namin na ang laki ng sugat sa braso, ang haba. Nagpanic kaming pareho dahil sa nangyare, hindi man lang nila kami sinabihan nung nangyare yon, talagang pinaabot pa nilang makauwi kami. Natatakot sila sa amin, isipin mo napaso yung anak ko sa PLANTSA!
Mag 2 years old pa lang yung first born ko non, kasagsagan ng kakulitan at kuryosidad sa mga bagay. Ang siste, yung byenan ko yung nagplantsa ng uniform nya, at hindi ko alam kung paano umabot yung anak ko which is mga kapatid ng asawa ko yung nagbabantay sa anak ko.
Hindi ko sila mamura kasi hindi ko naman sila kamag-anak, ingat na ingat ako sa anak pero napabayaan nila. Oo, kasalanan ko din kasi mas pinili kong magtrabaho kaysa alagaan yung anak ko. Hindi rin naman sila tumulong sa gastusin sa pangpagamot.