Anxiety mag pa breastfeed sa incoming 2nd baby

naranasan ko mag pump ng milk sobrang drain ako parang diko kaya kumilos pa ng ibang bagay kung mag papa dede ako, what more regularly ang breast feeding? pinipilit ako ng asawa ko na mag pa bf para makatipid daw kami sa gatas, parang ayaw ko dahil parang diko kakayanin ++ may toddler pakong inaalagaan mag dadalawang taon pa lang this aug at all around sa gawaing bahay wala rin tumutulong sakin dahil may work asawa ko at in lwas ko may work rin. selfish ba 'ko mga mi if di ako papabor na mag pa bf mom? naguguilty ako kung sakali pero baka hindi ko kayanin at bumigay ang katawan ko since alam kong sakitin katawan ko paano naman ang 1st at 2nd born ko kung mag kasakit ako walang mag aasikaso sakanila โ˜น๏ธ

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo pahirapan sarili mo mi. Mukhang hindi ka din naman tutulongan ng asawa sa gawaing bahay. Sarap kutusan ng asawa mo maka demand sayo ๐Ÿ™„ Ako nun 1 yr old pa lang 1st born ko nung lumabas ang 2nd born. Hindi ako pinilit ng asawa ko mag padede, ako lang talaga nag pumilit. 5 days pa nga lumabas breastmilk ko nun... Nakita nga ng asawa ko nahirapan ako napabili pa sya ng gatas e ayoko nga magbili nun kasi gusto ka talaga i breastfeed. Ending nasayang lang ang formula milk, pinamigay na lang. Thankful na lang din ako sa asawa ko kasi kahit puyat sa work un, nag aasikaso pa ng gawaing bahay, sya pa nagluluto ng pagkain namin. Pero mommy wag mo po pilitin sarili mo mag breastfeed kung wala kang support system.. Nagiging successful lang ang pag bbreastfeed kung ung mga nakapaligid sayo ay sinusuportahan ka. Kung ganyan lang din katulad ng asawa mo, mag formula milk ka na lang. Kawawa ka mi. Hindi kelangan pasanin laht ng responisibilidad, kung ano sa tingin mo ang makakabuti, gawin mo.

Magbasa pa