2 Replies

ganon naman sis may chance na ma adopt ng bata yung ganyan kaibihan ng ugali lalo na kung di ikaw nag nagaalaga. 😅yan din ang mahirap para sa ibang parents na nag wowork pero kung di mag wowork 😥 wala pang gastos. yun nga lang mii tiyaga ka na iba mag aalaga. pero andiyan naman na pwede mo sabihin na "wag ka ganon ha! wag mo gagawin yun sinasabi na ganon sayo kase bad yon" yung nga ganyan. as long as nakakausap mo mga bata keri yan.. mag ssink yan sa anak mo. sa totoo lang yung anak ko 7 and 13 years old na till now lage nila natatandaan yung sinasabi ko na "oh pag meron si mama ibibili pag wala pasensya muna. onting ipon pa sa ssusunod mabibili na ni mama yan" dala lang sa pakikipag usap. habang maliit pa wag ka mag sawa ulit ulitin yung mga salita na gusto mo para sakanila.

Mommy doon po kayo sa panatag kayo. Ako as a full time mom, iniwan ko business ko para lang maalagaan si LO lalo na at may ASD si LO ko. Also, parehas tayo Mi na halos ako lahat ng gumagawa para kay baby kasi sakin din dependent si LO. Mas okay na yun para mas matatah yung connection namin dalawa and with that makukuha ko ang respect ng LO ko habang lumalaki siya. Kaya din ako nag stop sa business ko po para maguide si LO. Yun ang pinaka importante. Kung okay naman kayo ni Hubby mo sa finances pwede naman po kayo mag resign. Nandyan lang naman yung work. Si LO hndi naman forever bata, di natin mababalik yung mga panahon na dapat nandoon tayo, ginaguide sila. Kung di kaya mag resign, yung connection nyo ni LO patatagin nyo po.

Trending na Tanong