Teenagers yata

May napansin lang akong mga tanong dito na parang mga wala pang ideya sa pagbubuntis at pagiging magulang ang mga nag-post. Mga tanong kung mabubuntis/makakabuntis ba sila kung nag-jax muna si lalaki tapos f-in-ing*r si babae, o kaya ay kung mabubuntis ba si babae kung naiputok ni lalaki sa cycling shorts niya at nabasa pati panty niya. Nakakabahala lang kasi mga aminado silang unprotected s*x ang ginagawa nila tapos matatakot at magtatanong dito sa grupo ng mga PROUD PARENTS/PARENTS TO BE. I mean kung hindi ka pa ready maging magulang at kung teenager ka pa lang na walang ideya kung paano nagtatagpo ang itlog at semilya, e di huwag mong gawin ang ginagawa ng mag-asawa o kung hindi ka mapigilan, bumili ka ng proteksiyon. Hindi ako sure pero parang mga teenagers talaga sila. Nagsipasukan dito sa The Asian Parent, pero takot maging parents. 🫤 #RandomThoughts #RealTalk #TeenagePregnancy

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Totoo po ito, pero hindi rin madali maging teenager. Lalo na sa education system and culture natin. Kahit nandyan na ang internet at pinagsasabihan na sila ng parents still they lack of understanding and knowledge about SEX dahil sa totoo lang taboo satin ang SEX. Wala rin tayong sex education at kung pag uusapan ang sex, pahihiyain pa yung nagtanong. I think its much better na pumunta sila sa mga app katulad nito para mag tanong para kahit papaano may makakasagot sa mga tanong nila. I am not siding with them, pero teenagers will always have the mind of a teeanger not an adult. Also, if they are coming from poor family at poor parenting talagang mahihirapan sila magtanong or mag open up. Nonetheless, they still also need to be responsible and accountable sa outcome :)

Magbasa pa