Teenagers yata

May napansin lang akong mga tanong dito na parang mga wala pang ideya sa pagbubuntis at pagiging magulang ang mga nag-post. Mga tanong kung mabubuntis/makakabuntis ba sila kung nag-jax muna si lalaki tapos f-in-ing*r si babae, o kaya ay kung mabubuntis ba si babae kung naiputok ni lalaki sa cycling shorts niya at nabasa pati panty niya. Nakakabahala lang kasi mga aminado silang unprotected s*x ang ginagawa nila tapos matatakot at magtatanong dito sa grupo ng mga PROUD PARENTS/PARENTS TO BE. I mean kung hindi ka pa ready maging magulang at kung teenager ka pa lang na walang ideya kung paano nagtatagpo ang itlog at semilya, e di huwag mong gawin ang ginagawa ng mag-asawa o kung hindi ka mapigilan, bumili ka ng proteksiyon. Hindi ako sure pero parang mga teenagers talaga sila. Nagsipasukan dito sa The Asian Parent, pero takot maging parents. 🫤 #RandomThoughts #RealTalk #TeenagePregnancy

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

mi naunahan mo ako mag popost sana ako about dyan at lagi ako nakakakita ng ganyang post para iisang tao lang nag tatanong

1y ago

Oo parang nangttrip lang. Fetching sila sa sagot na may pagka l*bog. Baka fetish nila yun. Kaya minsan sinasagot ko ng kalokohan para sa tanong nilang walang kwenta.