Wala ba kayong tiwala?

Napansin ko lang sa mga ibang buntis dito, parang wala kayong tiwala sa gamot na binibigay ng OB sa inyo like antibiotics for UTI. Lagi niyong tinatanong kung "safe ba/di ba makakaapekto kay baby/etc." Tapos wala pa kayong balak inumin kasi natatakot kayo, e mas nakakatakot pa yung baka maapektuhan si baby dahil sa UTI mo kasi hindi ka umiinom ng gamot. Pag mataas na pus cells niyo asahan niyo ng hindi na magagamot ng water therapy or simpleng buko juice yan. Need pa rin ng antibiotics. Sana intindihin niyo rin mga OB niyo, kasi hindi naman sila mag aaral ng medisina para lang makaharm ng baby niyo.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kailangan may tiwala ka sa OB mo kasi siya nga magpapaanak sayo.. so I dunno ano issue ng ibang buntis dito sa mga OB nila. Kung wala pala sila tiwala, they could just go find another OB. Mejo kaloka nga sila lalo na ung mga FTM gaya ko.

Hehe nung FTM pa ako, di ko rn ininum antibiotics q.. Wla kasing budget. Pero this time.. Uminom nq. Pero ngsearch parin ako kung safeπŸ˜…. Sa public hospital lang kasi ako ngppcheck up kaya bawala matanong don.