829 Replies
many times...sinusugod ako sa bahay namin ng partner ko,ung tipong daldal ng daldal sa harap ng bahay nyo kaya lahat ng kapitbahay dinig...lahat ng mga sinabi nya sa akin hanggang ngaun nkatatak padin sa isip ko..kaya d ko sya kinikibo kahit magkadikit lng kami ng bahay....
never pa. pero pag may kelangan na ituro saken pag mali na nagagawa ko, sinasabe nya in a good way. in a calm way, kasi di nman yon nagtataas ng boses. tsaka talagang closw kami. everyday nag chachat. kamusta samen ng mga bata. parang mas ako pa nga anak. 😁♥️♥️♥️
hindi pa naman.. lagi lang kami hinihingian ng pera.. wala naman kasing pakialam samin yung mga yon.. kahit sa apo nila.. pag tumatawag o nagtetext pengeng pera agad sinasabi.. tapos sinabing wala.. ok babye na agad.. 😅😅😅 kalerkey.. buti nalang malayo kami sa kanila..
hnd pa poh.. sobrang bait ng biyenan ko lahat ng needs ko s pagbubuntis sya gumagastos.. matumal kasi ngyon s shop kya sila muna bahala samin ng asawa ko..very thankful ako s side ng husband ko☺️☺️
Hindi pa naman 😅 subrang bait nila sakin ❤️ ayaw nilang nagkikikilos ako sa bahay. Gusto nila lage lang ako nakaupo 🤭 pero this week magbubukod narin kami to build our own small family 😊❤️ at suportado naman kami ng pamilya ni Hubby ❤️😊
hindi pa po. Ako pa nga ang sumimangot sa kanya kasi dumadaan ako nun sa postpartum, buti na lang maunawain sila nung nanghingi ako pasensya nung narealize ko ginawa ko. Alaga nila ko mula pag bubuntis hanggang ngayon na lumabas na si baby. Sobrang thankful ako. 🥰
yes. lalo na kapag may nangyayaring di maganda sa bata.. nung minsan nagsemplang sa bike yung anak ko, sabi bat daw namin pinabayaan. eh nasa work ako nung nangyari yun, silang magppinsan ang magkakasama. sno ba naman magulang may gusto masaktan ang anak? di ba?
uu napagalitan nya ako.. kasi kasalanan ko din.. kakauwe nmin galing ospital kakapanganak ko lng via CS..tas bigla ako naglaba ng damit ng baby ko... tas sobrang lamig pa nuon at may bagyo... napagalitan nya ako dahil sa sobrang pagaalala...The best biyenan ever....
d nmn na pagalitan pero ramdam mo na galit din xa pag nag aaway kme ng anak nya tama ba un nakikiilam xa away ng mag asawa unang una d ko kaylangang mag paliwanag sakanya anak nya ang kausapin nya d aq ano kht mali na anak nya kakampihan pa nya d nmn ayus un no..
Sa 4 years naming kasal ni Hubby never ako napagalitan ng biyenan ko. Anak na anak ang turing nya sakin and since may work ako, sya pa naghahanda ng pagkain ko at pambaon ko sa school. literal na nakahanap ako ng second Mommy and sobrang thankful ako doon.
Anonymous