Missing you my little angel❣️ BERNICE JOY

Nanganak ako sa Baby Girl kong si Bernice Joy ng August 25,2019 buhay sya. pero nag dry labor ako sa baby ko diko alam natuyuan na pala ako ng panubigan, first time mum ako kaya diko rin alam mangyayaring ganito!tapos nung diko na talaga kaya sumugod na kami ng hospital at napakadami king ire sa kanya at diparin sya lumalabas hanggang sa naramdaman kona ginupitan nako shocks! ayun ang tatlo ang nagpupush sa tyan ko lumabas lang ang Baby ko. Sumunod nun nagtataka ako bakit huminto sya sa pag iyak tapos nag color violet sya, yung nurse bayun o doctor basta! pinapalo palo na yung pwet ng anak. tapos ayun umiiyak na ulit yung bernice ko, diko man lang nafeel yung anak ko paglabas nya sakin, disya nilagay eq dibdib ko dahil pinasok agad aya sa NICU kasi nakakain na ng pupu nya, thickly na sabi nung doctor sakin at nakakalason yun sa bata, umiiyak nako diko alam kung magiging maayos ba ang lagay ng anak ko, kahit ako habang tinatahi ako nagdadasal nako kay lord na safe sya at malakas yung anak ko, tapos nung natahi nako nun at nakalabas na sa delivery room pinakain muna ako at para mainom ng mga gamot. tapos yung baby ko naririnig kong umiiyak sa loob ng NICU. Kinabukasan August 26,2019 nasa ward nako at nagpapahinga iniinda ko yung tahi ko dahil nga kakapanganak ko lang, umiiyak ako kasi iniisip ko yung kalagayan ng anak ko, kung nalinis naba yung mga nakain nyang pupu para makapiling kona sya makarga o mahawakan. Di parin ako mapakali sa sobrang sakit ng tahi ko at di ako makatulog sa pag aalala sa anak ko kung okay naba o hindi pa, kasi dina ako humihinto sa pag iyak, nagsabi ako sa nurse na gusto kong puntahan yung baby ko sa NICU para makita ko kung anong lagay nya. Nung nandun nako nakita ko na lumalaban sya para mabuhay kahit may tubo na nakasalpak sa kanya at oxygen nakita ko na nagpapalakas sya kahit nahihirapan nasya, ayun kinakausap ko sya habang hinahawakan ko mukha nya kamay paa basta lahat ginawa ko sa kanya hinalikan ko sya sa noo habang umiiyak ako sabi ko anak nandito na si mama pagaling na ikaw para makauwi na tayo sa bahay gusto kana nilang makita lahat lalo na ang daddi mo. nagdadasal ako kay lord na ibigay kana nya saamin kasi napakaganda mong bata at sobrang puti apaka tangos ng ilong at bashoink na baby girl? sobrang kamukha mo talaga anak ang papa mo as in?. Pagbisita ko sa kanya sa NICU ng ilang beses mga apat or limang beses ako nun nagpababa sa anak para lang palagi kitang macheck kung okay kana, last check ko sayo anak sa NICU nagsabi sakin yung nurse na humihina na yung Oxygen mo o heart rate mo basta ayun sinabi umiiyak nako nun, kasi natatakot nako na baka ano mangyari sayo Di nako nakatulog buong 2araw kasi gusto ko gising ako kapag dadalhin kana sakin o okay na yung kalagayan mo. August 27,2019 ng madaling araw mga 2:50 natulog nako kasi diko na kaya yung mata ko papikit pikit na talaga dahil dinga ako natutulog ng dalawang araw, humiga nako at nagpahinga na dahil magang maga narin mga mata ko sa kakaiyak di ako mapalagay sayo anak, mga 4am sakto ginising ako ni mahal at yung mukha nya diko magets bakit parang nagpipigil sya sa pag iyak habang kinakausap nya ako, ang sabi nya sakin mahal gising na! nagising nako sabi ko kakatulog ko lang mahal kaya, sabu nya na asan nayung gamit ni baby yung susuotin nya na damit pampers at pranela, sabi ko bakit mahal? dadalhin naba dito si baby sakin, tapos hindi sya sumagot ang sabi lang nya sakin na bilis na mahal mamaya kona sasabihin sayo ah iloveyou. sabay niyaka nako ni mahal ng mahigpit at nauutal sa pagsabi na sige na mahal magpahinga kana muna jan para gumaling na yung tahi ko. nagtataka na talaga ako nun kay mahal sabi ko mahal balik ka agad dito sa ward ah gusto kita kausapin. tapos nung bumalik nasya sa ward ko, naluluha na talaga sya ang sabi nya saakin mahal wag kang mabibigla ah kalma mo lang sarili mo. tapos ako naman naiiyak na kahit dipa nya sinasabi yung sasabihin nya sakin, mahal habang umiiyak yung anak natin, si bernice joy wala na. Sabi ko ha? bakit pano ano! mahal naman eh kakapunta ko lang sa kanya kanina ah okay pasya! natulog lang ako sandali tapos sasabihin mong wala na yung baby natin! ???? sabi ko bakit! bakit ganyan mahal! sabi ni mahal 3:30 ng madaling araw huminto yung heart beat ni baby bernice joy at nung mga oras nayun ay natutulog ako. sabi ko lord naman eh akala ko ibibigay nyo na sya samin mag asawa pero bakit kinuha mona agad??? sabi ni mahal sakin na ssshh.. tigil na mahal baka mabinat ka???? sabi ko hindi pwede mahal di pwede mawala yung anak ko! anak natin mahal!!!??? diko kayaaaa!! tapos nung time nayun pumunta nako ng NICU kasama si mahal para makita ko sya. Pagpasok ko ng NICU niyakap ko si baby ng mahigpit sabi ko sa kanya anaaaak! ???? bakit monaman kami iniwan agad ni papa mo? anak dikapa nga nakadede sakin eh pangarap ko panaman yun? tapos diko man lang nagawa???? buti payung papa mo nakarga kanya eh ako hindi man lang?????? saglit kalang pinahiram saamin ni lord. 2days kalang samin anak dami panaman naming pangarap sayo ng papa mo???? sobrang miss na miss na miss na miss na miss kana namin anak! sobraaaaa!! diparin kita nakakalimutan mahal koooo???? araw araw anak, lalo na pag gabi bago ako matulog umiiyak ako sa totoo lang, kahit minsan nasa labas ako palagi nakikipag tawanan at nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ko, sa tuwing uuwi ako ng bahay makikita ko sa cellphone yung mga pictures mo mahal! nalulungkot ako ng sobra?? sa tuwing namimiss kita nadudurog yung puso ko nak!??? kahit na first time mommy ako nak sobrang diko pinagsisisihan na dinala kita ng 9months sa tyan ko❣️ Sobrang saya ko na ikaw yung Baby ko??? pero wala binawe kana saamin ni lord. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL kanamin ng papa mo kaming lahat anak mahal na mahal na mahal ka.??❣️?✨ Palagi mo kaming gagabayan lahat dito anak ha???? we will miss you so much!? #Lovemama&papa?

Missing you my little angel❣️ BERNICE JOY
123 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same sa ate ko, nakakain din ng pupu si baby pero hndi sya sa icu dinala, next morning pinadala sya sa pedia para maturukan ng antibiotic at magamot for 2 weeks para daw hndi malason..naiuwi naman namin agad si baby nun pero for 2 weeks daily kame sa pedia.. may plan si god kaya nangyari yan.. be strong lang lage

Magbasa pa

Condolence po😭 be strong lang kayo, nasa heaven na ang baby nyo at lagi nya kayong babantayan 😭 nakakaiyak naman po. Kaya I'm so thankful na hindi si baby nka kain ng poop kasi pumutok narin panubigan ko tapos super tagal din ako nag ire. Just be strong mommy, your baby will be forever in your heart. ❤

Magbasa pa

ka bday ko, condolence po mommy, may way si god kaya maaga sya kinuha, namatayan din ako ng baby mag 2mos sya, boy nagkaroon sya ng sakit noon, 6yrs old na dpat sya. pray lang po na makayanan mo, pagsubok lng ni god yan kung gaano ka katatag, malay mo mabigyan ka ng chance ulet na magkababy, pray lang po.

Magbasa pa

Ganyan na ganyan rin kmi noon 2017 sis hndi ka nag iisa, may plano si Lord. After 2 and half years or pag mabuntis ka ulit feeling mo bumalik si baby mo sau. I feel you sis. The Lord will give and take away, but my heart will choose to say Lord blessed be your name. Pplitan ni Lord ng mas the best.

VIP Member

Pakatatag ka momsh. 😣 Masakit man sa dibdib mo yan pero pakatatag ka lang isipin mong nakalook over lagi sayo si baby mo at sya n ang angel nio ngayon. 🙏 Ipagsa Diyos nalang natin. Napakahirap naiiyak ako nung nbbsa ko yang story mo 😔 pero pakatatag lang mommy ♥️

Sorry for your loss po. My condolences. Ask ko lang po, wala po bang signs nung pumutok na panubigan nyo? First time mom din po here, paano nyo po nasabi na hindi niyo alam na pumutok na pala, may mga instances ba na hindi siya tutulo ng todo kaya hindi mo malalaman na pumutok na?

5y ago

So clear po yun na tumatagas na tubig tama po ba? Clear po ba na parang tubig or white? Salamat po sa sasagot. Basta mababasa po talaga at hindi parang discharge lang?

Sobrang sakit talaga mawalan ng anak sis.. Ganyan din nangyari sa baby ko netong January 23 lang ako nanganak.. 19 hours lang sya nabuhay... January 24, 2:40 ng umaga tumigil din heart beat nya... hanggang ngayon Di pa din ako makapaniwala na wala na ang baby ko

Mommy, iyak lang aqo ng iyak habang binabasa q to. Pakatatag ka mommy, I'm sure magiging mabuting ina ka sa mga ibibigay na anak sayo ni Lord. There's a reason for everything. Kahit saglit lang, alam qong naramdaman ng baby mo kung gaano mo sya kamahal. God bless po.

Habang binabasa ko story mo mommy, naiiyak ako. Naaalala ko nung nanganak ako sa panganay ko. May congenital diaphragmatic hernia. 18 days lang sya nabuhay. Napakasakit. 💔💔💔 Tiwala lang kay God. Ngayon, buntis ulit ako sa pangatlong baby namin 😇

5y ago

Search mo sa google maam for better explanation

Im crying 😢 . Condolence mamsh ! Mahirap yung mawalan ng anak 😭 kahit na diku pa nararansan na wag naman sana ! Alam kong napaksakit lalo na ina 😿 . Pero mamsh darating din yung araw na bbigyan ka ni lord ng another JOY❤️