Napapangitan sa baby

Nanganak ako nung October 30 at ika 9 days pa lang ng baby ko. The moment that I laid my eyes on her, for me she is the most beautiful baby ever. Pero walang namana si baby saakin. Lol. Sabi ng mga kapamilya namin, manang mana daw sa tatay yung anak ko. But thats okay. I never lover her less naman eh, kahit kanina pa yan nagmana, kasi anak ko. Pero sobrang nasasaktan ako pag sinasabi ng ama nya yung di kagandahan sa kanya like "ang liit naman ng pilik mata neto" "ang lapad ng ilong" "ang payat ng legs" "nagagandahan ka ba sa baby natin?" "Di ba sya maitim?". Pero sabi naman ng iba ganda2 ni baby. Pero pag nanggaling pala sa tatay sobrang sakit. Iniiyak ko nalang ng patago kasi baby ko yan eh, sobrang mahal na mahal ko pero ganon ganon lang kung laitin ng tatay. Sorry at nag rant ako dito. Dito ko lang kasi nailalabas yung sakit ng loob ko.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

WTF sa tatay pa mismo nanggaling? Eh kamo dba kamukha nya? edi pangit din sya? Char hahaha. Yung mga napapansin nya eh, 9 days old palang si Baby dba, magbabago pa yan. Halos ganyan din si LO ko, malapad ilong nung lumabas, oh eh ngayon apakacute na. Payat legs? eh depende naman sa timbang ni Baby yan, si LO payat din, ngayon (1 1/2mos) may laman na. Basta magbabago pa mga features ng baby. Grabe naman. Sabihan mo nalang sya na hindi maganda sa pandinig na sa tatay mismo galing yung di magandang comments. Haysss..

Magbasa pa

Sabihin mo sis na wag syang magtaka dahil mana si baby sa kanya 🤣 Pero sis wag mong hayaan na ganyanin baby mo. Dahil ang baby natin ang pinakamaganda sa lahat ♥️ Tsaka sis normal lang sa baby na di pa mahaba ang pilik mata at payat pa ang legs, eh baby pa yan. Natural papalakihin pa natin. Ipagtanggol mo si baby mo. Kausapin mo hubby mo. Pag di pa sya tumigil sa panlalait sa anak nyo, sampalin mo ng malakas para matauhan. Anak nya pero nilalait nya. Sarap sampalin at hiwalayan.

Magbasa pa

nung bago panganak baby ko sis.. mukhang boksingero na natalo sa laban... sabi ko sa nurse kung yan ba ung baby ko naka high pako sa anesthesia nun dahil cs ako.. pero after ilang days at hanggang ngayon gwapo naman anak ko.. sobrang bait pa... chill lang mommy di pa maappreciate ng asawa mo kasi kakapanganak palang.. pero pag after ilang months na magbabago din yan...

Magbasa pa

Kausapin mo nalang mommy si hubby regarding sa nararamdaman mo and sabihan mo na din sya na tigilan nya mga hindi magandang sinasabi nya sa baby nyo. Baka kasi hindi nya alam na naooffend ka na. Mastress ka lang non and baka maapektuhan supply ng breast milk mo sa stress 😓

grbe naman hubby mo, 😑 Pero dont worry sis. lahat nmn ng baby maganda sa paningin ntin.. tska habang lumalaki ang mga baby don nmn nakkita ung tunay na kagandahan o kagwapuhan nila kya wag mo na isipin ung sinasabi ng hubby mo. kaloka sya. 🤦‍♀️

pag ganyan momsh, ipa-mr. speedy mo yang asawa mo pabalik sa lunga nila.. no questions asked 😤 susko, anak niya tapos kung lalaitin niya lang as if walang kaambag-ambag sa genes ng bata noh? ayos na tatay yan ah!🤦🏻‍♀️

Ako pa nga lang na nasa ganitong edad na, nasasaktan pa rin kahit nilalait ng iba lalo na pag nanggagaling sa mismong magulang mo. Pano pa kaya si baby na di kayang ipagtanggol ang sarili at wala pang kamuwang-muwang. 😭

iuntog mo kasi mr. mo baby pa may mga demand na sya atlis baby lalake pa huhulma pa ng tama e sya kamo nakakainis naman pag saakin yan ihahampas ko talaga yan , yan pa naman pinakaayaw ko laitero o laitera 🤬

nako sakin yan, matik hiwalayan kita. 😂 ikaw dapat ang unang unang supporter ng anak mo kya dpat sya ang nag boboost ng confidence nya what more pa kung lumaki diba. jombag talaga sakin yan 😂😁😁

Kmukha nya nga eh, ibig sabihin aminado sya na ang Lapad ng ilong nya, at maitim sya... Babatukan ko yang asawa mo eh.. Lhat ng baby cute at angel n bigay ni lord, he should be thankful..