Enlighten me mga mommies para lumakas ang loob ko dahil kakapanganak ko lang CS

Nanganak ako May 10, 2024 via ECS hindi ko talaga expect na ma ECS ako sa lying In ako the. Nilipat ako sa metrosouth dito sa cavite 2 days kami Sa hospital. Umabot ang bill namin ng 137k to the point na sangla lahat ng gold na naipundar namin tapos buti yung sister ko pinagamit kami ng credit 30k awa ng dyos nakalabas na kami. Pag uwi sa bahay si baby hindi ko mapatahan gusto nya sa mother ko to the point na pag kay mama titigil agad sya. Hanggang sa hindi kona matiis umiyak na ko sakanila dahil nalungkot ako na dko sya mapatahan nahihiya na ko sa mama ko pagod na mag alaga saamin tas si baby sakanya lang sasama. Tapos may work ako as brand ambassador pino problema ko kung babalik paba ako dahil nanghihinayang ako sa sahod lalo na may bayarin kami na 30k tapos dami pang monthly bills na kailangan bayaran ayoko lahat iasa sa asawa ko naawa rin ako. Ngayon sumasama na si baby sakin unti unti na ko rin nagagamay sana makayan ko to lahat totoo pala na hindi madaling maging ina lalo na cs

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

emergency cs din ako umabot ng 160k bills namin kasi ang daming process keso na induce at painless pa ..cs di pala .. mii dumadaan ka sa baby blue mild ng postpartum,ok lang yan mawawala din yan supporting system lang po yan wag mo problemahin ung iba si baby k lang focus dahil ftm ako ganyan din ako di ko alam kung pano patahanin dapat pala kalmahan mo lang para ramdam ni baby secure sya sayo lagi ko syang karga sa dibdib ko natutulog lalot n newborn sya snay sa katawan kaya until now 4months n sya di ko na matikal sa katawan ko 🤣🤣 di mkatulog ng mahimbing pag di ako katabi o di sa dibdib ko natutulog.. pray lang din momii pag di mo na alam kung anung tumatakbo sa isip mo .

Magbasa pa