Name: Empress Yuna Cabuang
Dob: June 9 2020
Lmp: May 25 2020
Edd: June 25 2020
Weight: 3.7 kgs via Normal Delivery
Lying in Clinic
Just wanna share my story. Halos 2 days ako nag labour. June 8 6am medyo sumasakit sakit na balakang ko at tyan ko. Punta kami ng lying in ng 10am .2cm pa lang daw kaya pinauwe kami niresatahan ako ng eveprim. Yung sakit kaya ko pa kaya nakapaglakad lakad pa ako ng araw na yun papuntang tindahan namin at nakapag mall pa at bumili pa ng jollibee πππ.
Sa isip ko baka false labour lang kaya tiis kahit sumasakit sakit. June 9 3am ayown paikli ikli na ang interval 3mins na lng ang interval pero kaya ko pa yung pain. 5am alis na kmi. Pagdating don 4cm na. Inantay pa may magdischarge gang mag 8am pinasok nako sa ward. 10am 6cm na ako sinaksakan nako dextrose. 11 am ininject na yung pampahilab . Ayon dun n tlga sobrang sumakit yung balaakang ko. As in 1 min ang interval. Sobrang sakit pero tiniis ko kelangan ko daw makapopo para makababa si baby. 2pm 8cm sobrang sakit na tlga ireng ire nako . Yung sakit walang katulad napaiyak na tlga ko. 4pm 9cm na dun na ko pinagsquat at pinaire ire sa delivery room. 4:30 nakapupu na ako at pumutok na panubigan ko. Nagready na sila. 5:13 pm my baby is out! Kinaya ko mga mamsh! Kaya sa mga #TeamJune goodluck po at kayang kaya niyo yan! Kahit halos sumuko kana, kayanin pa rin para kay baby. Kasi pag nakalabas na sya da best feeling!