My labour story

3.2kg via NSD 39 weeks & 3 days EDD: June 22, 2020 DOB: June 17, 2020 Long post ahead 😁 First of all, I want to thank God at nakayanan kong inormal si baby at ligtas kaming dalawa at healthy si baby. Sobrang thankful din ako sa app nato nakakatuwang makakita ng mga bagong babies and iba’t ibang stories. Yay and sa wakas ako naman magkwento. June 1, sinabihan nakong mag ready kasi 37 weeks nako and any moment daw pwede ng lumabas si baby, super excited talaga ko kaya hindi ko naiisip ang labour at pain na mararamdaman ko. June 8, scheduled check up namin from manda to qc pa kami nakahanap ng lying in na tumatanggap ng magpapaanak. Nung na check up nako ng midwife nakita nila yung otgg ko na medjo mataas sinabi nilang need ko ng ma schedule cs kasi delicado kay baby pag naexpose sya ng matagal sa high sugar. At this point, medyo shock parin ako at hindi ako makapaniwalang mag cs ako na all this time alam kong kaya kong inormal pero hindi narin mawala sa isip kong may risk si baby. Nag hanap ulit kami ng bagong lying in. June 10, napunta na kami sa tondo, manila para mag pa record at 38 weeks na din ako nito so hindi ko pa alam kung tatanggapin ba ko o hindi. Buti nalang mabait yung mga midwives at doctor tinanggap agad ako at niresetahan ng primrose at tigil lahat ng vitamins. Nag umpisa nakong uminom ng primrose at nag exercise ng squat, akyat panaog, lakad ng lakad, galaw ng galaw. June 15, habang nag squatting ako sumakit bigla yung puson ko nung gabi at nilabasan nako ng green discharge pero hnd pa muna kami pumunta sa lying in nag antay pa muna ako. June 16, madaling araw nag bloody show nako dun na kami dali daling pumunta sa lying in and ie nila ko 1cm open cervix pinauwi muna ko. Medjo nakakaramdam nako ng mga mild na sakit pero hnd consistent kaya akala ko braxton hicks lang ulit. Lumabas na din ang mucus plug ko pero hindi parin active labor. June 17, 10am may blood discharge na naman ako pero wala parin akong sobrang pain na naramdaman nun nakapaglakad pa ko papuntang lying in. Ie nila ulit ako nasa 4cm napala ako hindi na nila ako pinauwi at inadmit na ko hindi nadin ako pinakain ng tanghalian dahil bawal daw busog habang nag labor, sky flakes lang nakain ko nun at water lang. 4pm nasa room nako sumasakit sakit na pero kaya pa naman yung sakit pero habang patagal ng patagal wala nakong ibang nababanggit kundi β€œlord, tulungan mo ko please.” Hindi ko akalain na ganun kasakit. 7pm naie ulit ako nasa 6cm na pero nag rerequest nako ng painless at naiyak nako sa sakit at 8pm fully dilated nako at ready na sa delivery room hindi lang pala sa labour mahirap pati sa pagire hindi ko magawa ng tama kaya napadami tuloy ang tahi ko 8:50pm baby’s out na. Sobrang nakakadrain ng lakas at naubos talaga lahat ng stored energy ko pero worth it naman lahat nung nakita ko na si baby.

My labour story
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Congratulations, mommy. πŸ’• Muntik ka na pala maemergency CS.

4y ago

Uu nastress pa ng last month na

Congrats po.πŸ’œπŸ’œ