Welcome to the outside world!

Name: Cade Ezekiel Lim EDD TVS: Jan 24 EDD LMP: Jan 19 DOB: January 8 Thank God nakaraos na din po! Share ko lang experience ko. January 7 scheduled check up ko, pag IE saken 4CM na po with out pain pero may discomfort. I was advised na bumalik kinabukasan para magpa admit na, the following day pumunta na kame ni LIP and pa check 8CM na sya so I was expecting na manganganak ako before 12:00 noon pero still no pain, discomfort lang. Inabot na ng 3:00 stucked lang sa 8CM, dumating na OB ko ang sb nya if wala pa din CS na ko since dapat daw 1CM per hour ang dilation, kinabahan ako pero pag check nya 9CM na so pinasok na ko delivery room. Sa delivery room ang tagal kse mataas pa si Baby, nag push ako ng nag push, by 4:50 sinaksakan na ko epidural, painless pinili ko kase po may hemorrhoid ako kaya natatakot ako sa tahi. At 5:09 baby's out na po. Thanks god talaga! Sa mga Team January, pray lang po makakaraos din. ♥️

Welcome to the outside world!
28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats po! ❤️ ask ko lng masakit po ba epidural?

3y ago

Nung sinaksak hindi naman po, pero after nag wear off and nung recovery masakit sya sa likod..