My Delivery Story
Name: Aliyah Date of Birth: August 16, 2021 EDD via LMP: August 25, 2021 Normal Delivery / 7:35 AM 38 weeks Hello mommies, share ko lang ang success ko at ngayon lang nakapag post. 1:00 AM ng Monday, habang tulog ang lahat.. bigla na lang pumutok panubigan ko. Ginising ko husband ko dahil basang basa na undies ko, marami na tubig nalabas. Lately pa, may nararamdaman na akong pag hilab ng puson at brown discharge kaya expected ko na talagang malapit na si baby lumabas. Agad kaming nagpunta ni hubby sa hospital, pero at that time wala talaga akong nararamdamang kahit anong sakit. Naturukan na ako ng dextrose at na IE, wala pa ring paghilab galing kay baby. Saktong mga 3:00 AM, dinala na ako sa operating room dahil 8-9 cm na daw ako, pero pagdating ni OB at nag IE sya, 4 cm pa lang pala at mataas pa si baby. Sabi ni OB sakin, pag di talaga bumaba si baby by 6 AM, CS talaga kahahantungan ko dahil naputok na panubigan 1:00 pa lang. Binigyan ako ng pangpahilab at pinabalik sa room para makakain. Kinausap ko si baby na " baba na anak at ayaw ni mommy ma CS. Titiisin ko lahat ng sakit, normal lang kita maipanganak". Ayun, saktong 6:00 AM, grabe na paghilab ng puson ko na halos 30 seconds na ang interval. Pintawag ang nurse na ibalik na ako sa operating room sa kadahilanang maeere na ako sa sobrang sakit. Nung pag IE nya, fully dilated na daw. Ang galing ko daw at bilis na bumaba si baby. ๐ Kahit masakit, napangiti ako at normal ko ng maipanganak si baby. By the way si husband ko ang di mapakali at labas pasok sa room kakatawag ng nurse dahil di nya matiis makitang namimilipit ako sa labor. Sabi ko kaya ko pa naman, sya tong tarantang taranta na. Inhale exhale ako sa room, sya naman nanalangin na. ๐ Pagdating sa operating room, crowning na ang bata. Saktong pagdating ni OB, ilang push lang, nalabas na ang bata at 7:35 AM. Sobrang happy ko sa time na yun. Worth it ang lahat ng sakit at di ako pinahirapan ni baby. Labor starts at 3:00 AM, nalabas sya by 7: 35. ๐Pagkatapos ng delivery, jurlogs ang ina. Si hubby mugto ang mata sa kaba at kakaiyak sa labas. ๐ Iba pala talaga pag first time parents na. Ang sarap sa pakiramdam na maging isang ina ka na at may buhay na na nakasalalay sayo. By the way, first time mom here. Lahat ng katagumpayan ay binabalik ko sa Panginoon. Sa mga malapit na due dates, makakaraos na din kayo mommy. Salamat sa pagbasa sa ibinahagi kong katagumpayan. All glory belongs to God. ๐