Buntis sa lamay

Namatay po ang tatay tatayan ng asawa ko..sabi po ng kapatid nya wag na wag daw po ako pupunta sa lamay kasi buntis daw po ako..bakit po?anu po ba mangyayari sakin kung ppunta ako dun??kailangan po ako ng asawa ko pra damayan sya pero dhil nga dun d ko magawang alalayan asawa ko..

59 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tingin ko hindi naman, namatay yung pinsan ko last sept. that time di ko alam na buntis ako 4months na nakikipaglamay ako everyday nakipaglibing pa ako non now okay naman si baby ko 2mos na sya. Myth nga lang siguro.

2 mos preggy aq sa 1st baby q nang namatay tatay q..sumilip din po aq sa kabaong nya..wala nman pong bad effect sa baby..pero wala nman pong prob kng maniwala..huwag lng masyadong mgpagabi sa lamay..

VIP Member

Hindi ko rin po alam na buntis ako nung namatay yung lolo ko nung Pasko. :( Pumunta ako dun kasi sabi ni Lola hinihintay lang daw kami ni lolo na dumating, lahat ng apo nya pero walang nakapunta :/

VIP Member

Kaya po bawal kc pwede po kayo mkakuha ng sakit dahil mraming tao saka ung chemical po na nilagay sa patay delikado din po un sa buntis.. kung ipipilit nio po, make sure nakamask po kayo mamsh..

Bawal po. Wala namang masama kung maniniwala. Pray nalang din po siguro. Namatay din mama ng bf ko pero never ako nakilamay. Naiintindihan naman ng family niya kasi importante din si baby.

VIP Member

Bakit po kaya bawal nung 2months pregnant ksi aq pmunta aq sa patay ng tito q, kapatid ng papa q lumapit aq at sumilip ksi close q namn yung tito q ngaun. 7months nako ngaun, bakt po kaya

Alam jolang bakit binabawalan tayo is yung bacteria ng patay po pero maliban don wala na kaya bilin lang ng ob ko mag facemask ako. Saka alam naman natin wala ng masama maniwala minsan

Di ko alam if totoo pero wala naman masama kung susunod nalang maintindihan naman siguro yon ng asawa mo. Madami kasi talaga bawal pag buntis lalo na hindi mawawala yang mga pamahiin.

VIP Member

Best to avoid not because of any pamahiin pero magandang umiwas dahil madaming tao baka mahawa ka ng sakit lalo pa’t may covid ngayon. Alam ko din bawal mag lamay ngayong ECQ.

VIP Member

May gamot po kasi na iniinject sa patay na pwedeng malanghap ng buntis kaya advisable po na wag muna pumunta sa lamay. Dagdag pa po yung usok ng sigarilyo at stress.