Malungkot na nanay

Nalulungkot po ako tama po kaya to mga mii. Minsan gusto ko ng iwanan yong asawa ko. Umuwi na po kasi siya galing barko. That time pagpasok palang ng gate namen ay sinalubong ko po siya ng yakap. Nakahawak po siya ng maleta that time. Pero hindi po siya naghug back saaken at walang imik. Ewan ko ba kung praning lang ako.nong niyakap ko sya parang wlang energy or spark na naramdam ko. Idk if tama yong mga instinct ko sa knyana.. Pagkaakyat niya ng bahay walang imik po siya. That time tinuloy ko ang paglilinis ng kwarto namen. Siya nga pala queen size po yong kama namen 2 po anak namen hindi kasi kmi kasya don na apat. So ito nga po nagalit po siya saaken dahil diko daw naayos yong paghigaan niya sa lapag.,(baba ng kama) sabi ko nakalimutan ko kasi sa dami ng aking ginagawa nawala na sa isip ko. Take note po im a full time mom,nag lalako din po sa online..nagtuturo po sa mga activities ng mga anak.inshort lahat po saaken.. Yon lang po ang hindi ko naiready yong higaan niya sa lapag ..ska pwede naman yon kinabuksan na lang na ayosin kasi kasya naman kami sa queen size e.. Ang sabi niya saken.wala ka tlga ang ganda ng talent mo ano!nakakabwisit ka yon ang narinig ko sa knya.. Ewan ko pero nasaktan po ako sa sinabi niya parang wala akong silbi napakaliit na bagay maglapag na lang ng higaan mumurahin pa ako. Kaya nong gabing yon hindi ko siya inimik at lumayas kami ng mga anak niya.Pumunta kmi dto sa bahau ng mga kapatid ko whick is kapit brgy lang naman nila. Until now hindi pa kmi umuuwi..Kung tlgang mahal niya kmi susunduin niya kmi. At ito pa lahat ng kapamilya niya lalo byenan ko magaling manira sken sumbong jan sumbong dito kahit wla akong ginagawang masama.lahat ng kilos mo pati pagtulog mo ng tanghali pinapakialaman nila.Tapos galit sila pag hindi mo nalinisan yong bahay nila.. Yong byenan kong babae magaling magsumbong sa asawa ko nalalaman ko na lang sa asawa.. Pero ngayon feeling ko wala na ako kakampi sa bahay kaya nilayasan ko na asawa ko kasi mas gusto ko nlng ng peace of mind Mahal nman ako ng asawa ko e.. Feelijg ko dna niya kmi mahal

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Simple lang mamsh kahit 2 na anak nyo wag ka mag rely malay mo hindi sya ang da one alam ko mahirap pero yung spark hindi ka aalis dahil wala nang spark aalis ka kasi super miserable ang buhay may asawa anong klase sya alam mo mamsh dapat nakabukod kayo malayo sa mga kamag anak nyang pakielamera unang una hindi porkit nanay sya mangingielam na sya isa syang ina bat hindi nya maintindihan ang fact na pag may mga batang inaalagaan may isasakripisyo kang isa yun ay ang gawaing bahay kailan lang ba tayo nakakapag linis tuwing tulog sila 😞 so sad na hindi ka manlng nila maintindihan syang biyenan na dapat ay naiintindihan ka pinapayuhan at ginagabayan sa pag papalaki now kung ganyan lang ang trato ni asawa sayo para saaken mamsh ah hindi sya karapat dapat sayo kasi ang mga lalaki pag ganon ugali may babae walang gana sa asawa 🥺 wag mo sila intindihin mamsh mag simula ka ng bagong buhay yung wala si asawa tutal sinanay naman nyang wala sya sa inyo parang ganun lng din

Magbasa pa

I feel sad for you myy. Nakakalungkot lang kung sino pa yung dapat iturin ka na anak e sila pa naninira. Bakit kaya may mga ganyan na klase ng byenan no. Tinuturin kapa na kaagaw sa anak. And kung sinisiraan ka man ng byenan mo, dapat inalam muna ng asawa mo kung totoo ba yung sumbong or hindi. Kasi sya pa dapat ang magtatanggol sayo kunsinoman ang gusto manakit or manira sayo sa pamilya nila. Kaya dapat wag hindi ka muna umalis sis, kinausap mo muna asawa mo kung bakit ganyan pakikitungo nya sayo para atleast nalaman mo na may sama ka ng loob sa kanya. Pag may hindi magandang nangyayari sa relasyon communication is the key lang po.. Skl

Magbasa pa

nadidiktahan ang asawa mo mababaw pagmamahal Niya sayo Kase di kanya kaya panindigan mas naniniwala pa sya sa byenan mo mamasboy ata Yan Kase dapat ipinagtatangol ka Niya kung mahal ka nya at di siya nakikinig sa iba pero mas maganda po niyan bumukod kayo at magusap Ng maaus if ano problem Niya sayo at bakit nakikielam ang byenan mo sa Buhay mag Asawa niyo. taga alalay at support dapat ang byenan at NASA gitna Ng mag Asawa kahit mag away pa kayo .maaus dapat payo nya di paninira.

Magbasa pa

okey lang yan na nilayasan mo na asawa, kakadating dating ganun agad gagawin parang di ka man lang na miss,. baka na brain wash na yan ng fam nya kaya ganyan, or me iba ng babae, ni hindi nga kayo sinundo para pauwiin,. 🙄 bigyan nalang kamo nya sustento anak nyo. nang mag ka peace of mind ka naman, toxic naman family nila eh,. di natin deserved i trato ng ganyan. kahit pa sabihin na sila ang nag tratrabaho at house wife lang tayo🤣🤣

Magbasa pa

alam mo mii bumokod na kayo kung ganyan rin lang yung atmosphere sa bahay nyo.. kasi mahirap talaga kapag may mga pakialamera lalo nat may anak na kayo saka dapat nga eh yung byenan mo yung magbibigay payo sa inyo at iguide kayo at bigyan ng support as mag asawa ... buti talaga yung iba maswerte sa byenan!

Magbasa pa

mas maganda if magsarili na dapat kau ng bahay kasi dalawa na anak nyu,nakakatoxic talaga pag kasama mo byanan mo,kaya dapat kombensihin mo asawa mo magsarili na kau,kahit naaliit na bahay lng kung wala nangingialam sau, happy na nakakapeace of mind ka.

You did the right thing mi, minsan kailangan natin lumayo sa mga toxic na tao. Di mo nman kailangan yang biyenan mo. Sa asawa mo nmn,bat nman sya ganon ang sungit. Tama yan,iwanan mo na muna kesa makahalata pa mga anak mo.

ranas ko to ngayon at sobrang toxic talaga haha . hindi pa kame nakatira sa poder ng byenan ko sobra na paninira nya samin mag asawa . lahat gagawin mag away lang kame ng partner ko . sad to say malas din ako sa byenan

TapFluencer

well ganun tlga lalo na anak nila galing barko malaki laki nasasahod syempre baka isipin ni biyenan mawalan sila kaya puro paninira nag ginagawa may sarili ng pamilya nag anak nya eh nangengealam pa

TapFluencer

pero my kayanin mo para sa mga anak mo ah habaan mo lng pasensya mo di yan jan lng matatapos hanggat anjan si biyenan magiging hell ang buhay nyo be strong mommy