Nalaglag sa kama

Nalaglag yung 6 months old baby ko sa kama halos 17 inches yung taas nauna yung ulo niya mga mommy, hindi ko alam ano gagawin iyak siya ng iyak pero after nun wala na, wala din po sign na nag suka siya or inaantok. Dapat ko ba siya epa check up? Magkano kaya aabotin ng ct scan?

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hanapin kung may red sa ulo kung san nauntog ang part ng ulo. lagyan ng cold compress or yelo sa tela para maiwasan ang swelling ng bukol. i-dampi-dampi ang cold compress for 20min. wag muna patulugin to observe. pwede kau pumunta sa pedia for peace of mind. sa baby ko, mas mataas ung sa kania pero hindi namin nakita na nahulog sia. dinala namin sa pedia. pagdating sa pedia, usual self si baby, malikot. cranial ultrasound ang recommended ng pedia. kaso hindi nagawa dahil sarado na ang bunbunan. sabi ng radiologist, kung gusto ipa CT. balik kami sa pedia, wag na raw ipa CT at naobserve na ok si baby. thank God, ok si baby.

Magbasa pa
2y ago

Thank you po. Atleast medyo panatag ako kaunti

Lo ko din nung 5mos siya. Wala samin nakakita pano nahulog. Inadvice ng pedia na under observation for 72hrs ipapa CT Scan if, nagsusuka at nahihilo. Sabi din na wag papadedein after malaglag. Active pa rin nun si baby several hours/days after mahulog. Grabe lang konsensya namin as parents. Huhu.

kung afyer 24hrs wapang nangyari kakaiba, observe mo lng sya palagi. better ipacheck pra makampante ka. si lo ko almost 3ft nahulog sa kama, inobserbahan ko ng 24hrs kung may ibng symptoms, normal na likot at wapang masakit na nakita.