nalaglag nadin po ba anak niyo sa kama?

Nalaglag nadin po ba anak niyo sa kama? Ako ngayon oo, nalaglag ngayon lang sa kama nag cr ako may nakaharang na na hotdog pero nagulat ako may umiiyak ng malakas pag akyat ko nalaglag siya. Hindi ko naman po sinasadya. Magkakaproblema po ba?? Nagwoworry po kase ako e 😭 First timw mom po ako.. 5months and 20 napo baby ko

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Observe nyo lang po. Pag mag suka or matamlay tapos parang may kakaiba sa kanya at ayaw huminto sa kakaiyak dalhin nyo na po. Pag mag pa check kayo ganyan lang din naman itatanong sa hospital sasabihin lang din na observe muna. Ilang beses na rin nahulog ang baby ko mas marami pa ako iniyak kaysa sa kanya. Kahit gaano ka pa ka bantay sarado naaksidente talaga. Ang pagkakalam ko din mas nakakatakot pag likod ng ulo ang nabagok kaysa sa harap. Baby ko kasi ang laki ng umbok ng nuo kaya don palagi tumatama. Hehe

Magbasa pa
Super Mum

May bukol po ba ulo nya? Gaano po kataas pinaglalagan at sa sahig po ba sya nalaglag? Observe mo po muna si baby mommy. Wag mo muna sya patulugin. Kung may signs na nagsuka sya, nagka fever at naging matamlay pa ER na po kayo agad.

baby ko din po nalaglag ngaun lang sa kama din, tulog sya may mga harang na unan pero pag balik ko nasa sahig na rin sya umiiyak pero nakasakay sya sa unan. thanks God. sobrang takot ko. naiyak pa ako πŸ₯Ί

Nasa kalikutan stage na si baby sis. I suggest wag na muna kayo gumamit bg bedframe para safe sa baby delikado pag nauntog ang bata malambot pa lalo na ang skull nila

kamusta po ano po findings ni baby?

Related Articles