Hubby

Nakkalungkot lang minsan yung andame kong gustong ikwento at sabihin sa asawa ko pero lagi siyang pagod sa trabaho. Wala na kaming time para makapagkwentuhan kung kumusta yung araw namen, naiinis na ko minsan kase feeling ko mag isa lang ako tas wala pa akong mapagsabihan. Nag iisa na lang ako sa bahay tas sa tuwing uuwi siya puyat naman siya. Nakakamiss lang yung nuon na handa siyang makinig lagi sa mg kwento ko pero ngayon parang feeling ko ngsasawa na siya saken.

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Intindihin mo nalang mamsh, for sure magkakaroon din sya ng time / day off, nafifeel mo lang na parang mag isa ka kasi ganun talaga tayong mga preggy, pero diba katabi mo nga sya matulog e. Yung iba diba LDR pa. Kaya tignan mo yung positive side para di ka din malungkot ;) basta lagi ka lang din mag open para alam nya. Asawa mo yan concern yan sayo at love na love ka nyan mamsh!

Magbasa pa