46 Replies
Sabi ng tiya ko na huwag nga raw iiwan ang baby lalo na kapag hindi pa raw nabibinyagan o wala pang basbas. Baka nga ganun. Lapitin ng disgrasya o ng kung anong elemento. Madali daw kasi sila makuha. Sa unang baby hindi pa ako nanganganak lagi akong nananaginip ng babaeng nakaitim tapos kukunin ang baby ko. Lagi ako nagiisleep paralysis. Meron pa akong na experience na pagbangon ko para umihi na may nakadungaw na bintana namin na babae. Pero nung pumikit at dumilat ako nawala. Sa iba pagtatawanan lang ako pero kasi nakakaexperience ako makakita. Pinanganak ko na premature ang baby ko at namatay. Oo, May medical explanation pero para saakin pinagbuntis ko kasi siya na may takot. At kung ano ano ang naiisip ko. Ngayon na buntis na ulit ako. Mas lumalim ang faith at pagdarasal ko sa Panginoon na kami'y gabayan. Na mga anghel ang maimagine ko at hindi mga nakkatakot na bagay.
hindi po ako naniniwala sa mga pamahiin ng mga matatanda sa generation po ata nila ganun pero ngayon, yung baby ko palagi ko naiiwan since ako lang talaga mag isa sa buhay walang kasama mag alaga, pag bibili ako ng pagkain sa labas ng ilang minuto pag lalabas ako iniiwanan ko lang sya ng dasal na protection from the Lord kesa sa mag iwan ako ng mga dangerous things sa kanya. may nagsabi din saakin na kagit mag cr ako iwanan ko daw ng kutsilyo or tingting sa duyan juice ko po baka pag nagising eh madatnan ko na lang ang baby ko na duguan dahil sa mga ganung bagay na yun, kaya no no me. mag iwan ka lang ng prayer of protection and samahan ng angel ng Lord okay na yun basta may protection ng Lord and by the blood of Jesus hindi lalapitan ng masasamang espirito. God bless po!
For me naniniwala ako kasi one night mahimbing yung tulog ko hindi ko alam na kinuha ni hubby yung bby na galing sa duyan tapos nilagay nya sa katre katabi ko.D ko alam na nilagay ni hubby kasi mahimbing yung tulog ko eyy pero sabi ng hubby ko natutulog din yung bby ko kaya iniwan nya kami sa kwarto.Tapos parang 10 minutes na nakalipas may narinig akong maliit na iyak ng bata kaya nagising ako non tapos pag lingun ko wala na ang bby wala na cya sa tabi ko kaya hinanap ko bby ko.Pag tingin ko sa duyan wala yung bby ko pero may narinig akong iyak na galing sa ilalim ng kama kaya tinignan ko yung ilalim ng kama ang bby ko pala yung umiiyak nasa ilalim ng kama hindi ko alam kung pano cya napunta doon eyy d pa alam ni bby kung paano mag crawl....Kaya naniniwala ako
Never ako naniwala sa mga pamahiin na ganito. i don't know. siguro dahil lumaki ako sa Christian family. naniniwala naman ako may evil spirit but if we rebuke it di naman tayo kayang saktan or controlin ng mga bad spirit na yan. We always pray before we go to sleep and nag papray pa rin ako personally bago matulog specially ngayon na preggy ako. never naman ako natakot kahit nga natutulog kaming bukas lang ang pinto at nakalock lang ang screen door mag damag parang kampante lang ako. sabi din kasi ng iba kapag buntis lapitin din ng mga bad spirit. Well my point is, if you trust the Lord Jesus Christ with all your heart for your safety ibibigay naman Niya talaga sayo. Just believe in Him and have faith. ♥️
Pamahiin po tlga yan ng matatanda, naaalala ko nung iniwan muna ako at bunsong kapatid ko sa lola ko. Maliit pa ung kapatid ko, ndi pa nagccrawl. Sa duyan sya pinapatulog. Of course need iwan ng lola ko minsan sa duyan pra makapagluto sya. Ako nman na bata wala dn pake dahil naglalaro ako sa labas. Nakikita ko palagi na nagiiwan ang lola ko ng itak or kutsilyo sa kwarto, minsan nasa sahig lng malapit sa duyan. Hindi nman ako nagtatanong pero napansin cguro ng lola ko na nagtataka ako, kaya ang paliwanag lang nya ay, " Kailangan yan pra matakot ang multo at hindi kunin c baby." Gagawin ko din cguro un..pero may pagiingat. Just make sure lng na ndi ma-reach ng bata or mahigaan lalo na kung nagccrawl na ang bata.
ganyan din sa kapatid ko dati, 3months old palang sya, ako na nag aalaga, iniwan ko sya s crib kasi naiihi na ako. pagbalik ko wala na sya. tinawag ko sila mama .nataranta kami kasi inisip namin baka kinuha ng tunay nyang nanay, pagtingin ko sa ilalim ng crib nandun pala sya mahimbing ang tulog... nakapagtataka lang kung pano sya napunta doon. mataas pati yung crib nya. tapos naulit n nmn, iniwan ko n nmn s sa crib kasi nag mop ako ng sahig, pagbalik ko nawala na nmn sya. nakita ko sya nsa ilalim na ng center table .tulog na tulog. 3months palang sya noon. di ko pa alam an pamahiin na yan. ngayon ko lang nabasa kaya baka totoo.
yung tinatawag po nilang "multo" ay demons po talaga , sabe ng Bibliya " Hebrews 9:27 says, “People are destined to die once, and after that to face judgment.” Hebrews 9:27 kahit halughogin nyu pa yung buong bible wala pong "multo" duon just demons . kaya yung iba na meron nagpapakita daw na multo , ay di na po yun kaluluwa ng tao kundi demons po pinaglalaroan na lang po nila yung feelings ng tao to scare them because they feed on fears po . perp kahit naman ganun , CHRIST is above them . REBUKE nyu lang by faith " IN JESUS MIGHTY NAME" they can never win po kay JESUS 🥰 I HOPE NAKATULONG , wag kayong maparanoid wala po talagang multo . ACCEPT THE TRUTH AND THE TRUTH WILL SET YOU FREE 🥰🥰
Personally, hindi po ako naniniwala sa mga ganito. Pag walang kaantabay ang nanay sa bahay, hindi maiiwasan na iwan si baby para gumawa ng ibang gawaing bahay. Mas delikado ang mag iwan ng kahit na anong matulis na bagay (ex. gunting, tingting) sa tabi ng bata. Baka makuha pa ng bata at matusok niya sa sarili niya. Sa salamin naman, baka mabagasag at masugatan ang bata. Dito lang talaga sa Pilipinas may mga ganiyan. Sa ibang bansa nga newborn palang yata may sarili ng kwarto. Dito lang ba sa Pilipinas may multong nangunguha ng kaluluwa ng bata? 😅
Itatanong ko din sana to mamsh kasi one time bumili ako ng ulam pinabantayan ko ung new born ko sa kapatid (naka off po ang ilaw nmin kpag tanghali kasi mainit) niya nung pag uwi ko nakasalubong ko ung tito ko konting kwentuhan tapos ung eldest ko bumaba ng kwarto, biglang sinabi ng tito ko wag daw iwan ang baby mag isa kasi pamahiin sa knila may nangunguha, malaki pa nman daw ung inuupahan namin, bigla ako natakot, kaya ask ko lang mga mamsh totoo ba un? nakakapranoid kasi everyday mag isa lang ako sa bahay at minsan naiiwan ko mag isa ung newborn ko para gumawa ng gawaing bahay
Hindi po kasi ako naniniwaa dito. Hehe. Baka pag nag iwan ako ng guting sa crib, mahablot ng baby.
ganyan daw ngyari sa akin nung baby ako sabi ng nanay ko naiwan lang ako saglit sa stroller kasi nag aayos sila ng Gamit dahil bagong lipat kami sa bahay.. nung binalikan daw ako wala na ko sa stroller nasa malayo at nasa lapag na ko ng sahig tahimik na nakahiga.. di maipaliwanag di ba Pero kung iisipin natin mas delikado ang mga sharps like gunting at Tingting baka makuha ni baby at Matusok.. at wag kalimutan mag dasal.. wala na hihigit dyan. .
roselyn