Co-sleeping or crib

Hello mga mommy! Ano ba ang mas okay? Katabi si baby matulog or naka crib. Sa case po kasi namin maliit lang yung room at double ang size ng bed. Nung una naisipan ko mag crib dahil nga hindi kami kasya sa bed pero ang sabi sa side ng asawa ko mas okay daw ang katabi lalo kapag nagpapadede, so naisip ko ang bedside crib kaso di parin daw advisable. Gusto naman ng asawa ko na magkakatabi parin kami kung hindi mag crib si baby. Hindi ko alam kung ano ang mas okay.#advicepls #firsttimemom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hello mommy. Kung nahihirapan po kayo magdecide, ask a pedia na lang po. Kasi may mga pedia po na hindi nirerecommend ang cosleeping. Sa case ko naman po, nakaqueen sized bed naman po kami. Nung first 3 weeks po yata cosleeping kami. May crib nest lang po si baby para mas safe. Pero nung before po sya mag 1 month, nagdecide po ako na sa crib na sya since nakikita ko po na hindi na komportable si baby at parang nasisikipan na sya sa crib nest nya. Breastfeeding din po ako.

Magbasa pa