8 weeks pregnant

May nakapagsabi sakin mga mommy pls comments po sa mga may alam or may naka experience na, sabi daw yong baby ko is malabong mabuhay kase daw kumabaga sa itlog wala syang yolk, sino po may alam ng ganitong case? May possible daw po ako makunan

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Blighted ovum ang 1st pregnancy ko. Pero hndi ako nagparaspa. Nagwait lng ako na kusa sya mahulog kasi di talaga nabubuo un. Bad pregnancy un sabi ng OB kasi posibleng magkainfection ka if hndi natanggal. Ngayon 37 weeks na kong buntis ulit. Tiwala lng mommy ☺️

Chemical pregnancy po ata tawag dyan pag walang progress sa pregnancy hindi lang ako cgurado.. pag ganyan po prone po sa miscarriage. Pa check po kayo sa OB nyo po lalo pag may naramdaman kayo na hindi maganda like severe cramping at backache at spotting. Ingat po.

5y ago

Opo salamat po

pinakaba lang ako nong nauna kong ob ,, ngayon 6months n tummy ko ,at ang likot likot pa ni baby,sbi ng 2nd ob ko ok naman daw nong utz nya ko,natural lng daw mgka SH sa first trimester..kung plang naniwala ako s 1st ob ko bka nraspa nya nako

Same case tayo, too early pa talaga wait mo pang after 2 weeks tska ka ulit mag paultrasound then rest ka inom pampapakapit ..after 2 weeks ko bedrest nakita na si baby sa ultrasound ko with heartbeat

5y ago

9weeks n sakin ,at may heartbeat naman

Anembryonic pregnancy ang tawag dun, usually magkakaroon ka parin ng positive PT kasi gumagawa parin ung placenta ng hormones. Unfortunately walang nabuo na embryo o fetus so ang remedy is Raspa.

5y ago

So bale baka ung unang utz mo po is ndi po un ang official maybe, nagkamali ung gumawa ng ultrasound. Sakin din po kasi nangyari na un ung nakitang walang laman ung gestational sac pero di lang tlga naiprobe ng maigi. At pagbalik ko nun 6weeks tska lang nagkaroon ng laman ang heartbeat ni baby.. Atleast mommy panatag ka ng meron ka tlgang pinagbubuntis

Ganyan din po case ko,but for now pinapag rest din po ako ng o.b ko for two weeks din blik daw po ako ulit after two weeks,sna nga po maging ok na.pray lang po ate..

5y ago

Kamusta kna po ngaun sis? Ilang weeks kana?

Posible pong blighted ovum (anembryonic pregnancy) yan Mommy, peru wag naman sana. Personal experience ko po yan.. Pray kita Mommy.

5y ago

Pwede po magpa raspa o pwede ring iinom kalang nag gamot para kosang lalabas ang gestational sac. Depende po sa doktor kong ano ang mas nakabubuti sayo mommy.

huhu sad naman nun mommy 😭 ano po ba sabi ni ob? hugss! Walang imposible sa Lord mommy.

May iba p po kayang solusyon pra mabuo sya kse 8weeks palang naman po sya

5y ago

Opo,ok nman daw

VIP Member

God bless mamsh..kaya mu yan..pray lang lagi 🙏