pusod ni baby
nakalimutan ko natanong sa hosp nung nanganak ako if pano linisin ang pusod ni baby. sabi ng byenan ko, patakan ko daw ng 70% alcohol tapos yung friend ko naman na kakapanganak lang hayaan ko lang daw kase kusang matatanggal. ano po talaga ang dapat?
Tama po yung 70% solution alcohol pero di po yun ipapatak lang sa pusod ni baby. Kukuha po kayo ng cotton balls babasain nyo ng alcohol saka ipupunas umpisa sa pinaka base ng pusod ni baby paikot kasi ito usually ang nagkakaron ng langib langib make sure na malilinis itong mabuti. Isa o dalawang ikot pag madumi na itatapon ang bulak. Kuha ulit ng panibagong bulak basain ulit ng alcohol ideretso lang ang paglinis pataas hanggang sa may clip ng pusod. Ang paglilinis po ng pusod 3 beses sa isang araw walang ilalagay na kahit ano (e.g bigkis, piso o papel) ang ipanglilinis 70% solution alcohol at bulak lang. π
Magbasa pa