BF

Nakakatakot po bang magpa breastfeed? First time ko po kasi sana makapag pa breastfeed na ko sa 2nd baby ko.

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po nakakatakot mamsh. Ako po first time mom. Honestly hindi ko naimagine na makakapag exclusive breastfeed ako sa baby ko. Lalo na nung mga first days nya naririndi ako kakasabi ng husband ko parang d daw nabubusog. Wala daw nadedede kasi iyak ng iyak. Pero naging curious ako kaya nagbasa ako and nagjoin ako sa group ng breastfeeding pinays group sa fb. Dun naeducate ako ng sobra kaya namotivate ako. Super hirap sa umpisa. Puyat, nakakpanglata, doble pagod kase pag nagpapadede ka nakakapanghina po. Tapos halos wala ka magagwa tlg sa bahay. Nakatali ka lang kay baby buong araw. Pero pag tumagal mababago din naman. And both kayo magbebenefit mommy.. kaya sana mapush mo po.. 7mos na baby ko. Nagsosolid food na sya pero ebf pa din. Hindi sya makadede kaht 1oz ng fm. ❤

Magbasa pa

Hindi nakakatakot mommy.. pero expect mo mejo struggle sa first weeks of life para sainyo ni baby. Kasi malaking adjustment. Ako 2nd time mother, 1st time breastfeeding din. 11days palang ni baby.. may struggles like soreness ng nipple, engorgement pag di nadede si baby ng matagal, puyat sa gabi.. plus mangayayat ka talaga lalo pag tumakaw si baby.. but everything is normal at mababago din naman.. tyaga lang mommy ska proper support system. Kaya natin mommy :)

Magbasa pa

Hindi nakakatakot but very challenging lalo sa first few weeks after giving birth, puyat, pagod, engorgement, mastitis, lagi kang gutom but its very rewarding kasi bukod sa malaking tipid eh napakahealthy ng breastmilk para sa mga anak natin. Saka di matatawaran ung bond na nafform because of breastfeeding. Ebf for 2 yrs and 6 months sa panganay (naputol lang dahil nabuntis ulit) Ebf for 1yr now sa bunso.

Magbasa pa

Dont be. Isipin mo na lang kung gano ka kaswerte na nakakapag supply ka ng gatas at healthy si baby. Expect struggles, basa basa ka na lang ng articles para alam mo kung pano solusyonan. Good luck, mamsh!

Nope, as a first time mom i enjoy it kasi isa yun sa bonding time namin kahit na nagsugat minsan yung nipple ko ayos lang kasi alam ko namang gagaling gawa ni baby at may sustansyang makukuha si babh

Msarap mgpa breast feed.. kc mpapasabay mo cya pati s pgtulog mo..hndi ung tatayo ka 3very mdaling araw tpos antok n antok ka kakatimpla

VIP Member

Wag po kayo matakot. Kapag masakit baka mali po latch. Once you get the hang of it everything will be ok

Hindi nmn po pero maskit po sa una.kaso need tiisin para kay baby

Nope. Mas maganda po breastfeed para kay baby

Huwag po ma stress it will come naturally