Nakakastress talaga.. alam mo yung gusto mo mamili ng grocery pero di ka pwede lumabas. May pambili ka naman pero di ka makabili. Nakakalungkot lang na buntis ako saka pa to nangyari. Di ko maasahan asawa ko dahil may trabaho siya. Yes, kasama kasi siya sa skeletal structure ng company kaya no choice siya kundi pumasok. Work from home impossible.
May mga companies na po na nag aadvise sa mga employees nila to get ready for total lockdownand use their day offs para mamili ng supplies pero ung company ng asawa ko, palibhasa BPO, wala ata pakiramdam at pakielam.
Umasa ko kanina na baka naman sabihan si husband ng company na mag work from home na lang siya pero wala, work from home lang para daw sa mga may symptoms. Yung mga healthy, pumasok pa rin.
Ayoko mastress, ayoko mayamot. Ang hirap ng ganito, wala ko maasahan. Malayo ako sa family ko kaya hanggang iyak na lang ako.
Sana naman di matuloy yung kinatatakutan nating lahat. Napakahirap lalo na sa buntis. Di naman tayo pwede kumain palagi ng instant at processed foods gaya ng iba.