8 weeks preggy

Nakakapraning po pala mga mi kapag nasa first trimester ka palang, ung feeling na hindi mo pa nafefeel si baby. Halos lagi ko pinapakiramdaman mga sintomas ko pero di naman nawawala ung hilo at pagsisikmura ko. Rainbow baby ko na kasi ito, kaya nakakapraning talaga kapag di mo pa nafefeel si baby 😥 #advicepls

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

same tayo mommy. rainbow baby din namin to. although going 38 weeks na ako. ganyan din ako nung first trimester. hanggat di umabot ung 2nd trimester ko, lahat ng galaw ko kalkulado. ang hirap. kasi konting kakaiba lang sa pakiramdam ko, kinakabahan ako. pero ngayong nasa 3rd trimester na ako, maaadvise ko sayo na enjoyin mo every moment. pati ung morning sickness mo. mahirap, oo. ilook forward mo ung mga heartbeats ni baby pag pwede na sya sa fetal doppler. pati ung first kicks nya. reminscing those moments now, naiiyak ako kasi sobrang nakakacloud9. basta regular ang checkup mo kay OB and extra careful lang. you and your baby will be fine. makinig ka kay OB. and if you feel something is off, sundan mo instincts mo. kung kailangan mag2nd opinion ka go. we'll pray for your successful pregnancy this time mommy. 🥰. God bless!

Magbasa pa
3y ago

Thank you so much po mi. Congrats po! & God bless po 🤗