Frustration! Long post ahead.
Nakakapanghinayang, pa-rant po ng saloobin mga mii. Nanganak po ako nov 26 via CS due to placenta previa. Tapos nagbleed po ako sa loob ng operating room kaya tinanggal na po ang matres ko, 33 plang po ako pangalawang baby ko ito. Gusto ko pa sana isa pang baby pero hindi na po matutupad iyon. Ngayon nafrustrate ako dahil hindi manlang ako totally nakapgbreasfed sa mga baby ko, yung first baby ko hindi talaga siya totally naglatch sakin dahil ayaw niya wala po akong nagawa at iniyak ko nalang. Itong pangalawa naman naglatch naman siya pero natakot ako dahil hindi siya gaanong nkakahinga nung unang buwan niya mix feeding ako until nung second month niya formula milk nalang kami, 😔. Hngang ngayong 4 months na siya formula milk na siya totally at ayaw nadin niya lasa ng breastmilk, kokonti nalang din kc ang nakukuha ko na gatas sa dede ko kaya hnd ko na pinapainom.huhuh. Ngayon mga mii, nadedepress po ako dahil hindi ko na magawang mgpabreastfed dahil hnd nako magkakaroon pa ng anak.😭😭😭