Pagod na ko sa lahat

Nakakapagod din pala kapag yung sarili mong magulang e nagkukusang tumulong pero bandang huli isusumbat pa sayo. Sila pa ang unang maninira sayo. Gusto kong bumukod na kami ng asawa ko pero hindi pa namin kaya. Nagiisip akong umutang kaso dagdag sa isipin namin yon. Ang hirap. Sobrang hirap. Madalas sinasabi ko wag na magbigay kasi kya namin at sakto pera namin hanggang sa needs ng anak namin pero sila ang nagiinsist. Im just tired. Ang masakit pa sa part ko e sarili kong nanay sinisiraan ako sa tatay ko at sa mga officemate niya. May business ako pero halos lahat napupunta sa nanay ko dahil inuutang niya. Kapag hindi ako nagpautang ako masama, ako ang walang kwentang anak. Nagshashare kmi dito sa bahay kasi yun ang tama. Kami gumagastos sa kuryente, kami sa food at wifi. Peroo yung tubig lang at bigas sa kanila. Sariling bahay ng magulang ko kaya walang upa na nababayaran. Pero palaging may pasobra pa na 5,000 para sa nanay ko kasi gusto niya meron siya kaya nagdesisyon kaming mag asawa na bukod sa bills namin e nagbibigay kami 5k sa nanay ko. Pero palagi pa ding umuutang sakin. To think may. Work siya pero ganyan. Jusko pagod na pagod na ko. Suko na ko

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Nalungkot ako ng mabasa ko post mo. Dahil sa isip ko napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng nanay na sobra ako sinuportahan, wala reklamo, at sobra mapagmahal sa mga apo nya. Nalungkot ako dahil kamamatay lang ng nanay ko last month at sobra ako nanibago sa kalagayan ko dahil sya nag aalaga ng 5 month old ko na baby. Masakit mawalan ng magulang lalo na kung maayos ang inyong relasyon as mother daughter. Wish ko kasama ko pa sya ngayon pero wala naman replay ang buhay, no rewind, no pause. I want to emphasize lang na value your mother kahit na may mga issue kau about family matter. Mahirap mawalan ng nanay sobra sakit. Hindi ko alam kung gaano ang closeness nyo para masabi ko na intindihin mo nalang sya kasi iba iba ang personality ng mga magulang natin. Just love your mother habang kasama nyo pa sya. We never know kasi ang buhay ng tao, para walang maging regrets sa huli, ayusin mo na relasyon nyo. Better bumukod nalang kau para hindi na mag create ng gap between you and ur mother.

Magbasa pa