Pagod na ko sa lahat

Nakakapagod din pala kapag yung sarili mong magulang e nagkukusang tumulong pero bandang huli isusumbat pa sayo. Sila pa ang unang maninira sayo. Gusto kong bumukod na kami ng asawa ko pero hindi pa namin kaya. Nagiisip akong umutang kaso dagdag sa isipin namin yon. Ang hirap. Sobrang hirap. Madalas sinasabi ko wag na magbigay kasi kya namin at sakto pera namin hanggang sa needs ng anak namin pero sila ang nagiinsist. Im just tired. Ang masakit pa sa part ko e sarili kong nanay sinisiraan ako sa tatay ko at sa mga officemate niya. May business ako pero halos lahat napupunta sa nanay ko dahil inuutang niya. Kapag hindi ako nagpautang ako masama, ako ang walang kwentang anak. Nagshashare kmi dito sa bahay kasi yun ang tama. Kami gumagastos sa kuryente, kami sa food at wifi. Peroo yung tubig lang at bigas sa kanila. Sariling bahay ng magulang ko kaya walang upa na nababayaran. Pero palaging may pasobra pa na 5,000 para sa nanay ko kasi gusto niya meron siya kaya nagdesisyon kaming mag asawa na bukod sa bills namin e nagbibigay kami 5k sa nanay ko. Pero palagi pa ding umuutang sakin. To think may. Work siya pero ganyan. Jusko pagod na pagod na ko. Suko na ko

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Walang mangyayare kung di ka magsasalita sis,hanggat tahimik ka paulit-ulit lang mangyayare yan. Kailangan niyo kayanin bumukod,sooner or later gagawin niyo din yan kase yun ang dapat. Kung hahayaan mo lang na ganyan ang nanay mo,wala ikaw din mahihirapan. Kahit maliit na apartment lang basta kasya kayo ng pamilya mo okay na yun.

Magbasa pa