Nalungkot ako ng mabasa ko post mo. Dahil sa isip ko napaka swerte ko dahil nagkaroon ako ng nanay na sobra ako sinuportahan, wala reklamo, at sobra mapagmahal sa mga apo nya. Nalungkot ako dahil kamamatay lang ng nanay ko last month at sobra ako nanibago sa kalagayan ko dahil sya nag aalaga ng 5 month old ko na baby.
Masakit mawalan ng magulang lalo na kung maayos ang inyong relasyon as mother daughter. Wish ko kasama ko pa sya ngayon pero wala naman replay ang buhay, no rewind, no pause.
I want to emphasize lang na value your mother kahit na may mga issue kau about family matter. Mahirap mawalan ng nanay sobra sakit. Hindi ko alam kung gaano ang closeness nyo para masabi ko na intindihin mo nalang sya kasi iba iba ang personality ng mga magulang natin. Just love your mother habang kasama nyo pa sya. We never know kasi ang buhay ng tao, para walang maging regrets sa huli, ayusin mo na relasyon nyo. Better bumukod nalang kau para hindi na mag create ng gap between you and ur mother.