38 Replies

Nais ko itong ibahagi ito sa mga katulad kong teen mom na hindi hadlang ang pagiging isang batang ina para matupad natin ang ating mga pangarap sana'y maraming ma inspired sa kwento ko This is the day that the Lord has made! 💖 Nais kong balikan ang aking mga ala-ala sa pamantasang sa simula'y pinangarap ko lamang. Hindi man nabigyan ng pagkakataon na makapasa sa eksaminasyon para sa sekondarya ng institusyon ay muling nagsumikap at pinaghandaan ang eksam para sa kolehiyo. 47 percentile rank! Sumabit din ang lola mo. Nang makapasa'y dinala ng Diyos ang aking mga paa sa Kolehiyo ng Edukasyon. Doon nagsimula ang aking laban at hinubog ang aking pagkatao sa kung paano maging isang mahusay at mabuting Guro sa hinaharap. Naging mahirap man sa simula ngunit ang pagsuko'y hindi naging bakas kailanman sa aking mukha. Isang simpleng babae na may matabang pisnging nakikipagsapalaran sa lahat ng hamon ng buhay. Isang tipikal na estudyante na may pangarap. Pangarap na makapagtapos at makaakyat sa mababang entablado ng pamantasan ngunit kung ituring ng lahat ay banal. Nakaapak ako kasama ang blessing ko at opo kasama ko ang baby sa loob ng tiyan ko na umakyat sa entablado, at doon ay isa ako sa mga tiningala ng lahat. Isa lang aking sikreto, at iyon ay ibabahagi ko sa inyo. "Kung aakyat ka ng bundok, doon ka sa tuktok. It's not just being ambitious, it's just setting your goal" Yan ang mga katagang tumupad sa aking mga munting pangarap. Napagtanto kong marahil ako ay talagang isinilang at itinakdang maging isang Guro. Hindi lamang hinangad na magkaroon ng mataas na grado sa akademiya ngunit sinikap na maging isang mabuting tao at maging bahagi ng buhay ng bawat isa. Pagbati para sa mga kapwa ko mag-aaral na nagsipagtapos! gayundin sa ating mga guro, magulang at sa mga mahahalagang tao na siyang naging bahagi ng tagumpay na ito. Lalong lalo na sa blessing na dumating sa buhay ko. Hindi rito natatapos ang lahat, ito ay simula pa lamang ng muling paglipad at pagusbong ng isa at marami pang mga pangarap! Gabayan nawa tayo ng Panginoong Maykapal. 💖💖💖 PINEDA, YANNAH G. BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN FILIPINO CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY MOST OUTSTANDING STUDENT TEACHER GPA 1.54 CUM LAUDE, JUNE 2019

Hindi naman porket batang ina eh hindi na kayang panindigan. I myself, I considered myself as batang ina. 19y/o ako nung nabuntis and that is right after my college graduation na nafind out namin ni hubby na buntis ako. Parehas kaming bata pero para sa baby namin sumabak kami sa work agad after 6mons post partum. 3years akong nagcall center agent at si hubby naman nagfactory worker. After that, I decided na umuwi sa province namin para mag-take ng units ng education and now I am a Public School Teacher. Mind you, hindi hadlang ang pagiging batang ina sa pag-abot nang mga pangarap natin. Wag mong husgahan ang mga batang ina, hindi naman porket finiflex nila ang mga babies nila dito or yung pagbubuntis nila eh super proud sila sa pagiging batang ina. Sabi nga nila, mas maiging sabihing isa kang batang ina kesa naman sa dalagang maituturing pero nagpaabort naman pala. Think before you click, not just once, not just twice or thrice but a million times. Kaya mo pa pong problemahin ang mga batang ina dito sa app, pero yung sabi mong nahihirapan kayo ni hubby mo kahit nakapagtapos hindi mo magawan ng solusyon. So kung nahihirapan kayo ng hubby mo, double kayod dapat. Kasi hindi lang naman po dapat talaga yung sahod natin ang hihintayin natin kailangan may extra income din. Mali iyon, mali yung ijudge mo ang mga batang ina.

Ang sabi niya "ngayon" hindi "noon" compare mo mga teenager ngayon sa mga teenager dati. Kung tayo simpleng polbo lang at lipstick. Sila make up na ang gamit. Tsaka bakit ka ba nagagalit sa post niya? Teenager ngayon ang sinasabi niya, hindi teenager noon. Ok?

Iba rin ung tingin ko sa mga batang ina noon. I was sad about their future. But what changed my perspective was when i was ready to have a baby but hirap pala mag conceive (i dont have pcos or any issues sa ovary). So that i appreciate that these young moms are really blessed because they already have a child on their own, although not planned but atleast they are blessed with fertility. Nasa tao na kasi yan kung pano nya papatakbuhin ang buhay nya. Pweding maging inspiration na may anak na xa or pweding mapariwara rin ang buhay.. it's really a choice in life... iba iba rin kasi ang timing natin sa buhay so we don't need to compare each other's life.

One more thing, we are not encouraging the others na tama yn magbuntis ng maaga. Mas mgnda pdin na bgo magka pamilya mkpgtpos mna ng pag aaral, mkatulong sa parents at mag sawa mna sa pggng single. Ksi sobrang hrap mgng teenage mom u nid to balance everything. Sa relationship nyo ng husband mo, u as a young mom na ndi nxperience ung single life. Mag aral while preggy un iba nagwork ng maaga. But do not judge us nabuntis ndi na mkkpg aral. Un iba ndi young mom nkpgtapos ng pagaaral pero wlng direksyon ang buhay. So, it depends on the person. As for me I graduated college, and mgnda work ko so ndi ngng hindrnce un pra ndi ko mkuha ang goal ko...

Bakit ang daming triggered,? for me hindi ako pabor sa early pregnancy, sino bang ou tiba? wala naman tlaga may gusto nun. at sa mga nag sasabe ng mind ur own business..(yan ang prob ng kabataan ngayon,hindi porket pinanindigan niyo ung bby ay TAMA na yung nangyare) MALI parin,pero okay lang. lahat tayo nag kakamali, pero wag niyo sasabihin na TAMA yung pag bbuntis ng maaga kasi never ako sasangayon doon. Ang kailangan ng kabataan natin ngayon ay yung mga taong mag gguide sa kanila na sabihan sila na MALI yung bagay pero in a good way at supportahan sila. Alam na nila nag kamali sila.,so why pity?guide them. don’t judge them yun lang.

andaming nag sasabi na "Okay lang naman mabuntis ng maaga eh atleast di nag palaglag at blessing to" yes thats true blessing yan kaya wag mo talaga ipapalaglag pero Hindi mo pwedeng gawing dahilan yang blessing na yan para pagtakpan yang kamaliang ginawa mo, aminin mong nagkamali ka dahil nagpabuntis ka kahit bata ka pa nagpabuntis ka kahit di ka pa tapos mag aral, kahit hindi pa stable ang buhay mo at wala ka pang naibabalik na tulong sa pamilya mo. Mali talaga ang premarital sex at early pregnancy pero nandyan na yan ginawa mo na wala ka ng magagawa talaga kundi tanggapin yan dahil nga BLESSING yan pero nagkamali ka parin

For me di nman ako labag sa early pregnancy. Like blessings kasi yan. Yung ibang mga babae nga gusto na magka anak pero wla pa din. As long as kaya mo dalhin baby mo sa sinapupunan mo walang problema.. Ako nga 18 weeks and 5 days pregnant na ako ngayong araw 1st baby ko. Mag 21 na ako this June 21. Pero wala naman ako pinagsisihan. Alam mo na kasi consequences kung nag DO kayo. Dahil kung ayaw mo mabuntis dapat di ka nakipag DO or gamit kayo Condom. This is the best decision na nagawa ko sa buong buhay ko, kaysa naman sa ibang babae na pinapalaglag. Wala namang kasalanan ang bata. 😔

Hi sis! I think there's no problem about it! As long as walang tinatapakn na tao.. plus ang mhalaga dto we take the responsibility ndi nmn ito tinaguan... ndi porque naging mother na ng maaga ndi na makakapag tapos ng pag aaral. Wrong judgement. Im a proud young mom na nkapagtapos ng pag aaral. Fyi, ndi magging hindrance ang pggng mother pra ma achieve kng ano ung goal ng isang tao.. kya stop judging young moms out there. Nagkmli man kmi ky God at sa parents mmn pero nkaya namin itama un pgkkmli nmn.. now kmi ng daughter ko prang magkapatid lng kmi pg nsa labas kmi..

For me walang pakialamanan? Minsan kasi yung mga ganitong pagsasalit is to brag na. For me lang ha? Ako 19 ako nabuntis si partner graduating ako tapos ako ng pag aaral din. Pero hindi naman kami nahirapan kasi nangarap kame para sa baby ng sabay for us hindi naging dahilan ang pagiging bata namen. Mas minulat panga kami na maging marunong sa buhay e. Depende lang talaga yan. Meron kasing iba na hindi nagbabago meron namang iba na nag gogrow agad. Kame proud teenage parents kame. Simula mabuntis ako nagsikap kame hindi namen inasa sa magulang namen kahit piso.

Wag na po natin depensahan at aminin na ngkamali tayo kasi nabuntis tayo ng maaga. Na hindi sinasadya, na hindi pa tayo ready sa responsibilities kasi tayo nga umaasa pa sa magulang natin. Na bubuhay na tayo ng bata ng magisa o swerte kung pananagutan tayo ng ama nang nakabuntis saatin. Na hindi manlang natin nasulit ang pagka dalaga. Aminin na natin na nagkamali tayo pero isipin natin na hnd nagtatapos ang buhay dahil ang isang pagkakamali nagiging blessing kung gagamitin nating stepping stone pra magtagumpay.

Agree ako mamsh

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles