Nakakalungkot πŸ˜”

Nakakalungkot lang at nakakahinanakit minsan yung mga asawa natin, kapag sila ang may karamdaman di natin sila matiis na di alagaan, pag tayo na yong may nararamdaman halos matiis nila tayo πŸ˜” Buntis pa naman ako 5months, nasakit likod, balakang ko kahit tudo na himas at matanglay na kamay ko kakahimas ng likod ko siya todo tutok sa cellphone, tatanongin ka lang kung napano, di mo lang masagot kaagad galit na..bawal daw hilutin pero kahit man lang ba himasin niya lang mabawasan man lang yung sakit, e hindi 😒, di ko na talaga kinaya kaya bumagsak na luha ko, kahit nakikita niya na akong umiiyak sa sakit wala parin, tudo deadma parin, tutok parin sa cellphone😭 Parang tuloy nawawalan na ako ng gana , kung anu ano na ang pumapasok sa isip ko πŸ’” hanggang ngayon, di man lang ako kausapin. Di ko tuloy alam kung ipagpapatuloy ko pa to mga mii 😭 #pregnancy #pleasehelp #firstbaby #advicepls

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maraming salamat po sa mga payo at komento niyo, sobra kong na appreciate..salamat din sa pag papalakas ng loob, tama na dapat ko ipag patuloy kase waa naman kasalanan ang bata... Hy nakakalungkot lang kase nararanasan ko ang mga bagay na ito at pati narin ang iba sainyo.. Kung malasin nga tayo sa asawa, sana suwertihin naman tayo sa anak o magiging anak natin. Maraming salamat sainyo!

Magbasa pa