Nakakalungkot πŸ˜”

Nakakalungkot lang at nakakahinanakit minsan yung mga asawa natin, kapag sila ang may karamdaman di natin sila matiis na di alagaan, pag tayo na yong may nararamdaman halos matiis nila tayo πŸ˜” Buntis pa naman ako 5months, nasakit likod, balakang ko kahit tudo na himas at matanglay na kamay ko kakahimas ng likod ko siya todo tutok sa cellphone, tatanongin ka lang kung napano, di mo lang masagot kaagad galit na..bawal daw hilutin pero kahit man lang ba himasin niya lang mabawasan man lang yung sakit, e hindi 😒, di ko na talaga kinaya kaya bumagsak na luha ko, kahit nakikita niya na akong umiiyak sa sakit wala parin, tudo deadma parin, tutok parin sa cellphone😭 Parang tuloy nawawalan na ako ng gana , kung anu ano na ang pumapasok sa isip ko πŸ’” hanggang ngayon, di man lang ako kausapin. Di ko tuloy alam kung ipagpapatuloy ko pa to mga mii 😭 #pregnancy #pleasehelp #firstbaby #advicepls

26 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same tayo mi. pag uwe ng partner ko galing work mag ml kagad. kahit himas manlang sa tyan ko wala. tas sabi nya pa kundi daw sya inudyukan ng tatay nya na mag baby di pa daw sya mag baby matanda na kase tatay nya kaya ganun. ang sakit lang sa feeling. tipong andaming sumasakit sayo kahit yung galaw ni baby ang sakit kase umaabot sa ribs ko. tas ang sakit ng ulo balakang, likod. tas kung ano ano pa pinapakain sakin kahit alam na high risk ang pagbubuntis ko. kung ano ang gusto nyang iulam ayun din sakin pag nagreklamo ako kase di healthy or bawal syang food para sakin sya pa galit. iniisip ko nalang ang baby ko, na darating ang araw na makakaya ko kahit di na kami umasa sa kanya. nakikipag kwentuhan nalang ako sa baby ko kahit nasa tyan palang sya mawala lang stress ko kase laging nadedetact yung contraction ko lagi ako muntik iadmit. kaya natin to miiii. pray lang πŸ˜‡πŸ˜‡

Magbasa pa

ako naman wala akong problem kay hubby .pero sa family nya meron feeling ko down na down ako dahil samasama kami sa iisang bahay tapos kasabayan ko pang magbuntis yung hipag ko . alam nyo yung pakiramdam na 6years ka nag antay para magkababy tapos may makakasabay kapa sa pagbubuntis . Yung atensyon biglang nawala lahat sayo dumating pa sa punto na pakiramdam ko nawala na yung excitement nila sa baby ko natuon na sa baby ng hipag ko and pati hubby ko pinaghihinalaan ko na din pero nagkamali naman ako kay hubby kasi alam ko na mas excited sya sa magiging baby nya pero naiisip ko baka papansin lang siguro ako . Alam ko na the best talaga na magbukod na kami kaso dipa talaga kaya dahil sa sitwasyon ng hubby ko ngayon 😒 pinagpapray ko na lang at laging kinakausap si baby na sana maging healthy sya sa tummy ko

Magbasa pa

ituloy mo lng baby mo momsh...alam mo pag lumabas n yang baby mo..mas mgiging busy ka hndi mo na mapapansin na balewala nlng ung gngwa ng asawa mo sau at mismong asawa mo nmn ung mag hahanap ng atensyon mo para s knya kc once nging mommy ka lge mong ipapriority c baby bgo ung iba...buti nlng swerte ako sa asawa ko nung mga panahong buntis ako...maalaga cxa at mapag mahal..pero gnyan tlga me ang buhay....knya knya tau ng pinag dadaanan sa buhay...maaring sa ngaun malas ka sa asawa malay mo sa baby mo db yan mgiging lucky charm..bsta plage ka lng mag papakatatag para sa mgiging anak mo..mahalin mo cxa ng higit sa pag mamahal mo sa asawa mo...good luck mommy...sana ay mging inspired ka na ituloy ang buhay

Magbasa pa

hindi ka nag iisa, ganyan dn ako. Dalawa lng kmi sa bahay, pareho kami may work, pero pag uwi namin kakain lang ng sabay tapos iiwanan n ako para mkipag inuman sa mga barkada nya. lage ako umiiyak ng hnd nya alam ksi feeling ko mas mahalaga ung ibang tao kesa sa amin ni baby. 5months dn ako now. pag d ko sya pinapayagan, hnd nya n ako papansinin kaya parang wala lng din sya kaht ksama ko sa bahay. naaawa ako sa anak ko kasi sabi nila nararamdaman nya ung emotions ko, perod ko mapigilan n hnd msaktan. pero mas mahalin mo n lng ang baby mo at abg sarili mo. mas deserve nyo ang love. iniisip ko n lng pag lumabas n si baby, may kasama n ako. 😊

Magbasa pa

dapat nga mas inaalagaan ka nya ngayong buntis ka. Buti nalang yung asawa hindi ganyan sya pa mismo nagtatanong saken kung may masakit ba saken tas hihilutin nya balakang ko likod tsaka mga binti tas pagpupunta kong banyo aalalayan nya pa ko baka daw kase madulas ako tas pagkakain kame sya yung naghahain ng kakainin namin. Ituloy mo momsh blessing yan di ka man sinwerte sa asawa malay mo sa anak mo maging swerte tsaka masaya magkababy momsh tsaka malay nyo po magbago hubby nyo paglabas ni baby.

Magbasa pa

mamiii kaya mo yan. hindi ka man nya asikasuhin , need mo pa din ingatan sarili mo , for you and your baby po. think about once your baby is out, super worth it yan. Unconditional love from your little one is the best. Sometimes when i'm not happy with how my partner act, naiisip ko na lang, di ko kailangan ma stress , if wala syang matutulong sakin, i can do it on my own. Sya yung mawawalan hindi ako. seek for your friend's support , also from your fam. it helps. ☺️

Magbasa pa

Ituloy mo yang pagbubuntis mo mi, with or without him. Sa kwento mo palang I can say na wala siyang pagmamahal sayo, ganyan na ganyan partner ko nung buntis ako. Dinudugo na ko lahat, hindi niya man lang matanong kung okay ako at yung anak namin. Bwisit diba? Naisip ko ding wag ng ituloy pagbubuntis ko pero walang kasalana ang bata, and now super happy ako na tinuloy ko, may baby girl na ko na mag 2 months bukas. Super happy ko and kuntento na ko sa kanya :))

Magbasa pa
TapFluencer

hala no po. continue your pregnancy. di po kasalanan ng bata kung ganyan po treatment ni hubby nyo sa inyo. kinausap nyo na po ba si hubby nyo about this? normal po ang nararamdaman nyong frustratipns gawa ng hormones natin. masyado din tayong sensitive. siguro po un ang una nyo ipaintindi kay hubby. may mga lalaki po talaga na di effective sa kanila ang silent treatment. mas maigi pa din pong pagusapan nyong dalawa ang problema. virtual hug mommy.

Magbasa pa

Hi mih actually nanganak nako ngayon and 2 weeks na c bby ko. Nung buntis ako mih pareho run kami may work, nag o ot ako dagdag kita halos 8pm to 9pm na out ko ni hindi ako masundo mih kase inuuna basketball. Ilang beses ko rin nakita sa co nya na nkikipaglandian sa iba. Iyak lang ako ng iyak kaya lumalaklak ako ng vitamins para continous talaga ako umiinum kasi stress ako emotionally. Kaya yan mih laban lang.

Magbasa pa

sa ibang nagcocomment wag niyo na po iflex kung gaano kayo ka bless sa husband nyo na buti na lang yung asawa ko ganyan, ganito.. baka po madagdagan lang yung lungkot ni sender. kaya mo yan sender. isasama kita sa dasal ko na bumuti ang lagay mo. nasa 1st trim pa lang ako at hirap n hirap dn ako s sitwasyon ko. maselan. kaya natin to.

Magbasa pa