ang weird noh. kabaligtaran tau ng gusto.
Isa akong working mom. and super pangarap ko maging stay at home mom na as in full time sa anak ko. pero sa buhay ngaun, can’t afford namin.
wala kaming yaya, kaya iniiwan namin sa byenan ko anak ko tuwing weekdays.
Mahirap maging working mom, stress at pagod sa work maghapon, paguwi sa gabi, mag aalaga ng anak kasi hatid sundo namin siya umaga/gabi sa bahay ng byenan ko. umulan/ umaraw yan. pag weekends, full time mom ako plus gawaing bahay kasi walang katulong.
Ilang taon ko na inuungot sa asawa ko mag stay nalang ako sa bahay, ayaw nya. sayang daw career ko.
para saken isang privilege ung maalagaan mo ng full time ang anak mo, masubaybayan mo siya sa paglaki nya at ikaw mismo magtuturo sa kanya lahat. Yun ang gusto ko gawin na di ko magawa nang 100%.
Kaya be happy momsh, kasi kung ano sitwasyon mo, yan ang pangarap ng iba…
Magbasa pa
2nd baby is on the way