Endometrial cyst, right ovary / Ovarian cyst

Nakakadown po mga mommy. 26 yo pa lang nmn ako pero nung nalaman ko ito kahapon iyak na po ako ng iyak hanggang ngayon kasi nd na raw po ito natatanggal sabi ng ob ko. At mababa raw ang chance na mabuntis ako. Ayaw ko po sana uminom ng visanne kasi sabi sa nabasa if want mo mag conceive wag un ang inumin mo. Eh nakalagay rin po kasing side effect nito eh artificial menopause. Pano po ako magkakababy kung ganun? Please advice me po n makapagpapagaan nang loob ko.

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako sis may intramural myoma ako at may cyst din ako, nalaman ko lang nung nagpaTransV ako sa 2nd pregnancy ko. Nung 6 weeks that time pinagbubuntis ko, d naman kalakihan myoma ko pero nung nagfollow up ako nung 10 weeks ako, lumiit myoma ko pero andon parin cyst. Hanggang sa mga follow up ko wala naman na akong balita sa mga cyst at intramural myoma ko. Ngayon 3rd pregnancy ko, nagpaTransV ulit ako at 9 weeks,wala na pong nakita saken na intramural myoma at cyst. Wala po akong mga meds na ininom,kusa pong nawala yung akin at yung intramural myoma ko bigla nalang din talagang nawala. Ewan ko ba kung bakit. Siguro yang sayo kailangan mong inuman ng gamot para mawala or else babalik balik lang siya. Sana makarecover ka jan agad sis. Pray lang laging,pinakamalakas na sandata natin ang prayers at tiwala kay Lord🙏

Magbasa pa

I also have endometriosis since 2018 (24 yo palang ako that time). Naopera na rin ako to remove the cyst from my right ovary since malaki na sya which is umabot ng 8cm. After nun, bumalik pa rin yung cyst which is nature talaga nya and this time both ovaries na pero maliit na lang kaya lagi lang ako pinapag Visanne nun para mamaintain since di ko pa plan mag baby nun kahit inaadvice na ng doctor and regular checkup sa OB for ultrasound para mamonitor yung cyst. 2023 kinasal ako and one month before the wedding, nagstop na ako mag gamot. Fortunately, preggy na ko after a month so wag po mawalan ng pag asa. 1st time na nalaman ko sakit ko, iyak din ako ng iyak kasi sinasabi need na talaga operahan and di na gagaling, need na daw agad mag baby. Then mahihirapan na daw manganak. Kaya nag worry din ako ng sobra.

Magbasa pa

I have endometrial cyst din right ovary, nalaman ko lang nung nagpa tvs ako due to pregnancy. Sabi ng doctor usually one of the reasons talaga ito bakit hirap magbuntis ang babae pero sa case ko maswerte daw ako kasi 6 months palang kami kasal ni hubby pero nabuntis na ako. Di nya din inadvise na alisin kasi nawawala or lumiliit naman daw ito pag hindi ka dinadatnan. Kaya sis wag ka ma down or madiscourage. May chance naman basta pray lang at try lang kayo ng try.

Magbasa pa
11mo ago

yes po. yung ang treatment daw dun sabi ng OB ko. hindi ka datnan. Yung iba nireresetahan ng pampatigil regla

I'm also 26 years old. my mga ways naman po para mawala yan at mabuntis ka. paalaga karin po sa ob mo. alam nila yan kung papano ang treatment. ako may hydrosalphinx ako sa ovary, sabi ng ob ko ang galing daw kase nakabuo daw kami , e sa case ko hirap mabuntis mga tulad ko. yun, nanganak nako nung may 7 😊 samahan mo din po ng Prayers at syempre magtry lang po kayo.

Magbasa pa

Always believe that nothing is impossible 🤗 Just eat the right food, be fit be healthy. Marami ako kilala na nag-intermittent fasting and zero sugar tapos nabuntis, most of the time dahil po kasi sa lifestyle na tin kaya tayo nagkakasakit. Paalaga ka din po sa OB. https://youtu.be/KfdyGtoh2Ik https://youtu.be/DmBL4MXKXBs https://youtu.be/dnFqGadocR8

Magbasa pa

ako sis i was diagnosed with PCOS and myoma before my 2nd pregnancy pero nakabuo pdn kmi ni hubby.. dont lose hope.. ibibigay yan ni Lord magtiwala ka lang.. tama dn ung sabi ng isang commenter, change your lifestyle.. baka umigi ang lagay ng katawan mo at makapagconceive ka..

mommy same here po my ovarian cyst aq s right ovary ko.. tinaggal ung ovary ko at falofian tube. nkita un nung nkunan aq last 2020...and now po after 2 years buntis npo aq ulit. kaya wag mwalan ng pg asa mommy..tiwala lng po

Don't lose hope sis. Baog nga nakakabuo padin ng baby,kahit yung may PCOS nagkakababy padin sila. Just take care of yourself,change your lifestyle,eat healthy umiwas sa stress,pwede ka din mag-vitamins.

11mo ago

Tanong lang,paano makakabuo yung baog?? Baog kasi means unable to have a child due to circumstances. At ang PCOS is malayo naman sa sinasabi mong baog?????

im currently 34weeks pregnant. nung first prenatal ko, nung transvaginal ultrasound ko unang nalaman na meron ako endometrial cyst sa left ovary ko. so pwede pa din naman mabuntis

11mo ago

sabi ni doc if normal delivery, i-observe lang daw muna after manganak. if cs naman daw, isabay tanggalin. as of now daw kasi, walang pwedeng gawin kasi preggy ako. but di naman daw urgent or delikado

ako naman nagka ovarian cyst din 17weeks preggy ako nung naoperahan nung January dahil 10cm na sya :( ngayon 35weeks preggy na ko at okay naman kami ni baby ngayon