Chocolate

Nakakaapekto ba ang pagkain ng chocolate sa pinagbubuntis? Hindi po ba nakakahyper sa bata?

66 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes although may good benefits sya ang chocolate eat moderately lang kasi pag sobra nakakasama your baby may lead to diabetic.a t dapat po mas piliin ang dark chocolate po may good benefits din naman wag nga lang sobra if sa pregnant woman ... then sa mga bata ang chocolate po ay nakakapagpahyper sa baby kahit pa po flavor ng kanyang gatas bastat may cocoa contains hyper active ng bata maaaring ang mangyari nito ay di sila matutulog at mag liligalig sila

Magbasa pa

Sugar nakakapagpalaki. Caffeine nakakapagpaliit. Medyo complicated hehe. Pero in moderation na lang po. Kasi yung akin lumaki eh, 3.7kg baby girl. ECS tuloy kasi di sya makababa at naiipit nya sarili nyang cord pag nagPush ako kaya nagda-drop heart rate nya. 19hrs of active labor, nauwi din sa ECS.

Magbasa pa

Yes po meron. Ako nung minsan naka limang dairymilk ako tas nung gabi sobrang sinakitan ako ng tagiliran sa kaliwa hanggang sa gawing pempem. Sabi ng midwife ko baka nagka u.t.i kaya dapat talaga in moderation lang.

dipende sa dami kasi ako lagi nag hahanap ng matamis ang ginagawa ko nakain ng matamis kahit pakonti konti lang di naman sya nag hahyper dapat laging konti basta malasahan mo lang ganern🤣

VIP Member

Nakakaapekto po lalo pag lagi ang pagkain ng chocolate.. Pwede po siya magkaroon ng gestational diabetes pag mga sweets po iniintake.. Lessen po ninyo pagkain ng sweets and more on water..

VIP Member

May possibility magka g. Diabetes ang mommy if mataas ang blood sugar. Ang baby ko feeling ko ayaw ng chocolates, sinusuka ko pagkatapos kaya hindi na lang ako kumakain.

mabilis po makalaki ng baby ang all sweets.. at prone tayo to gestational diabetes kaya hanggat maari iwas or small amount lang po.. at more more water intake..

Ok lang in moderation. Nakakahyper sya sa baby pero ok lang naman. Ingat lang din sa dami ng kainin kase prone tayong mga buntis sa gestational diabetes.

Ako kapag nasusuka ako kumakaen ako ng 1 pc ng flat tops .. tapos mararamdaman ko na nagbabubbles sa tyan ko .. nawawala na yung feeling na nasusuka ..

Nakakaapekto po pag maraming chocolate na nakain mo kasi mas lalaki si baby.. Okay lng kakain ng chocolate bsta more water po iinumin..