STRESS
Nakaka stress po dto sa bahay ng jowa ko. Nahihirpaan kasi ako matulog simula nag 2nd tri ako. Pero alam naman po ng OB ko ngayon po yung nanay nya ay Guard 24 hrs ang duty. Kinabukasan na po ang uwi 8am nandto na. Lagi ako nakakarinig kundi nag chichismisan, naghihiyawan. Alam po nila na may natutulog. Minsan pa nga po yung kapatid at nanay nya nag mumurahan nag hihiyawan nagdadabog. Ako po kasi hnd makatagal sa pag tayo madalas nahihilo ako. Nakakapg urong namn ako pero hnd araw araw kapag maganda pakiramdam ko ginagawa ko mag urong kahit na isang katerba. Feel ko hindi sila excited sa unang apo nila. Minsan nafefeel ko din na inisiip nila nagpapasarap lang ako sa kakahiga. Pero hnd nila alam iba ang pakramdam ko, kung wala nga po quarantine nandun ako sa lola ko. Nai stress ako kapag lagi ganun. Parang minsan nanadya alam na may natutulog tapos biglang mag wawala. Hnd ko naman sknasabi na mag adjust sila sakin. Tapos etonv LIP ko hnd man lang sabihan. Iniisip ko pano kung nanganak na ako ganito pa din sila. Kaya nag decide ako bago ako manganak or pagtapos ay dun nako sa lola ko mas tahimik pa. Minsan ayaw ko na din lumabas ng kwarto. Tapos alam na bawal susok ng sigarilyo sa buntis dun pa din nagyoyosi sa cr pag naiihi ako ng biglaan tuloy hnd ako makaihi kasi aalisin ko pa yung amoy ng sigarilyo. Feeling ko kawawa anak ko kapag dto kami tumira. Etong LIP ko makananay. Sabi ko kung ayaw mo sumama sakin bahala ka na. Dyan ka sa nanay mo kung sa tingin mo masaya ka. Lagi nya prio ang nanay nya ano man mangyari. Kapag mah binili ako na mahal nagagalit pero kapag natikman ng nanay nya sinabi na masarap hnd na galit. Kakainin ko nalang ititira oa sa nanay nya. Parang sobra na po.