Hindi nakita si baby

May naka exprience napo ba dito na nag pa check up 5 weeks palang na buntis nung TransV hindi nakita yung baby. Sabi sa Ob baka buntis sa labas or di pa sure, kinakabahan kasi ako baka lang kako late lang si baby or di lang nakita.😔 Pinababalik ako after 1 week ulit..

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

too early pa kase mi, sakin nun ganyan din, sabi cyst daw or possible na tumor, then ectopic daw pero after 3 months tinry ko ulit magtransV normal na pregnant naman pala. nagpatest din ako nun yun sa dugo para malaman kung buntis, positive naman pero since di makita ano ano sinasabi sakin nun OB, pero pinainom nya ako ng prenatal meds, ngayon 10months na baby ko super healthy and kulit. Wag ka kabahan mi ganyan talaga sa una lalo pag first time minsan di talaga makita agad.

Magbasa pa
3y ago

hindi yan mi. Basta ingatan mo lang din sarili mo. Saka after 2 weeks kana siguro magpacheck ulit para mas makita. sakin nga nun inadvised pa na 1 month kase every week bumabalik ako wala pa din. nun nagpalit ako ng OB pinagpahinga ako 4 weeks bago ako tinransV ulit. Yun una ko kaseng OB sabi possible na ectopic kase daw septate uterus ako,kung mabuhay man daw bata possible daw na premature ko ilabas. Nagpa2nd opinion nalang ako kase natatakot nako sa pinagsasabi ng una kong OB. Kung may option ka mi try mo after 2 weeks pa check ka ulit sa ibang OB. kung gusto mo lang naman. Pero mag ingat ka pa din mi habang dipa talaga confirmed kung ano talaga.