Hindi ba hiyang sa gatas nya si baby ko?

May naka-experience po ba dito na yung baby nila hindi na hiyang sa gatas na dati naman nilang ginagamit? Yung baby (10months old) ko kase nagka-amoeba pero ok na sya ngayon, since birth nya Lactum gamit namin, pero nung nagka amoeba sya pinapalitan muna nung pedia nya ng Al 110, hanggang sa maging ok na sya. Then after that binalik na namin sa dati nyang gatas which is lactum, parang nag-tae nanaman sya, pero wala namang blood, kaya binalik ko ulit sa Al 110, naging ok ulit poops nya, then nung naubos binalik ko ulit sa lactum then ganun nanaman, sa gatas kaya problema?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes di na sya hiyang sa lactum. nagkaamoeba na kasi sya so may triggering factor siguro sa lactum na nakakatrigger ng pagtatae. sensitive na kasi ang sikmura ng baby na nagkaamoeba na.

2y ago

Need ko na siguro magtry ng ibang gatas.