198 Replies
bilang mga magulang, nais namin matutunan ng anak namin ang pag iipon ng kanyang pera kung meron syang gusto. Halimbawa, kung gusto nya ng laruan, tutulungan namin syang mag-ipon muna galing sa baon nya. hanggang sa mafford nyang bilhin ang gusto nya. ang intensyon namin ay magkaroon sya ng sense of being patience, makita ang sense na lahat ng gusto mo ay dapat paglalaanan ng panahon. may mga times na ang mga bata ang gusto ngayon pero di na gusto sa mga ilang araw.
Bilang isang ina na lumaki galing sa hirap at walang magulang na nag guide on how to spend the money wisely ay gusto ko rin matutu at turuan ang aking anak ng tamang paghawak ng pera dahil hindi ito madaling kitain at bawat sentimo ay pinaghihirapan at pinagpapawisan ito. Gusto ko rin matutu kung pano mag umpisa at palaguin ang kaunting pera para pandagdag kita kahit nasa bahay lang dahil full time mom ako at asawa ko lang yung natatrabaho for us. ❣️
Opo sa hirap ng buhay ngayon sabay sabay pa taasan ang presyo ng mga bilihan. Mas maganda ng maging wais kung paano maghandle ng pera.. Hindi pwede na lagi ka Lang one time bigtime pag nagka pera kasi pag naubos. Tuleley na naman.. 🤭🤭 Sa tulad namin na nsa middle class.. Kailangan pa rin namin magtipid dahil sa tatlo sila sabay sabay pa pagatas at diaper.. Kailangan Todo sikap at diskarte pa sa buhay paano ma provide lahat ng aming nga gastusin..
Nais kung matutunan kung paano i-budget ng tama ang aming pera, ano ang mga kailangan at hindi kailangan ng isang pamilya, mga paraan kung paano makakapag ipon at makakapag invest para lumago ang pera. Nais ko din matutunan ang mga ito para maipa alam ko sa aking mga anak pra malaman nila kung pano humawak ng tama at paano makapag ipon ng pera para di sila lumaking gastador matoto silang pahalagahan ang pinaghirapan nila at ng kanilang mga magulang.
Bilang nanay sa dalawa kong anak, hirap talaga magbudget lalo na kung walang ibubudget 😅 kasi si mister lang ang may trabaho sa ngayon. Kaya gusto ko talaga matuto kung paano makakatipid at mapalago ang kinikita ng asawa ko. Diaper at wipes palang kasi ni baby ubos na ang sweldo ni mister. Mabuti na lang at ang panganay kong 10 years old hindi masyadong maluho o nagpapabili lalo na ngayong alam niya na may baby sister na siya at wala akong work.
Bilang magulang, malaking bagay na maturuan ang ating mga anak na mag impok ng pera sa murang edad nila. Na ipaliwanag natin ng tama sa kanila na kapag may gusto sila bilhin, instant agad nila makukuha. Instead turuan natin sila mag ipon at maging masinop para kapag may gusto sila bilhin ay dito nila kukunin. Matagal man bago nila makuha ang isang bagay, ang mahalaga nalaman nila ang value ng pera at naging worth it ang bagay na gusto nila bilhin.
Ang gusto kong matutunan ng aking anak pagdating sa usapang pinansyal ay kong paano ang paghandle nito sa mabuting paraan.How she will make it grow,live and give .Grow through investments or savings,mas maigi alam nila kong papaano mgsave at mginvest para sa future use nila .Live through monthly expenses nya and Give through causes and charities ,mas mabuti pa rin turuan sila kong papaano mgshare sa iba specially sa mga taong nangangailangan.
As a first time mom at hindi sa pagiging handa bilang isang nanay ang pinaka challenge sa lahat. Lalo na't bata pa. Sa panahon ngayon, sa sobra taas ng bilihin nais kong matutunan paano ihandle ang pera kinikita ng akingpartner. Wala ako sa ngayon trabaho nahihirapan sapagkat sa mga pag papacheckup at vitamins ng baby napupunta kinikita ng aking partner. Sa ngayon panahon na aking pagbubuntis ultimo piso napakahalaga na sa akin.
Nais kong matutunan sa usapang pinansyal ay kung saan ba magandang iinvest ang pera ng anak ko nag iisa ang anak ko and just turned 1yr old this october 2022 nais ko sanang malaman if saan maganda iinvest ung mga pera na bigay sa kanya ng mga ninang ninong and relatives para pag lumaki sya my savings sya. never ko kasi ginalaw ung mga pera na gift sa kanya around 60k in total. I hoping for your suggestion. Thanks in advance.
Sumali po ako para po matutunan ko po kung paanu po mag handle ng pera.. Maalam na naman po ako mag handle pero guzto ko pa po matutunan ung iba pa pong dapat matutunan.. At maging wais po ang aking 2 kids na maging masinop po sa paghawak po nila ng pera at para rin po sa aking baby paglaki po nia.. Para po pagdating sa panahon ng pangangailangan po ay meron pong mahuhugot.. Sana po ay mapili po ako.. Maraming Salamat po..