7months pregnant

nainom din po ba kayo ng coke ngayong buntis kayo? #pregnancy

40 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mag 7 months po sa june..opo naiinom dn ako siguro sa 1 buwan mga 3 times po hanggang ngaun... ang gngwa ko po is sa malaking baso puno po un nnang ice tas saka ko buhos dun ung softdrinks pra hnd sya purong softdrinks atleast matunaw ung ice mahalo lang sya... tas bawi agad 2 same baso dn na water para iihi dn agad... mild lang dn uti ko 4-8 po... pero dapat mahigpit n tlga pag paga malapit na manganak... kc mhirap pag nkuha n baby ang infection kwawa.. eveyday dn po ako nainom yakult at every 2 a week po sa yogurt mgnda po kc sa infection un ..

Magbasa pa

Ako mi ang weird kasi nung hindi pa ko buntis hindi talaga ko mahilig sa softdrinks tikim lang ganun pero di nakakaubos may uti kasi ako nun pero mung 1st week ko sa 2nd trimester naku po nahilig po ko masiado sa softdrinks pero now po iniwasan ko na kasi natatakot na rin po ako. Tikim tikim ka lang mi tapos bawi na lang po sa water 😊

Magbasa pa

opo,pero hindi naman po madalas..minsan kasi nakakasuka na ung panay tubig lang,naghahanap din ako ng inumin na may lasa..minsan naman po para di ako masobrahan,nagpapabili ako ng buko,para lang maibsan ung pagkasabik ko sa inumin na may lasa.πŸ™‚atleast kahit pano nababawi ng buko ung pag inom ko ng softdrinks.hehe

Magbasa pa

yes po, umiinom po ako. 5 months preggy and still ongoing pa rin Ang gamutan namin ng doctor sa UTI po ehehe🀧(hirap ng tumayo at lumalakad sa sobrang sakit tagiliran + d na makatulog sa gabi sa sama ng pakiramdam + Hindi na maka ihi ng maayos 🀧 so alam mo na 🀣

VIP Member

Ako po mommy, never po talaga. Kasi high risk din po ako. Better to be sure than sorry po. Pero baka pag konti konti ok naman po, yung iba po ata nainom pero konti. Stay safe mommy. Enjoy your journey po. 😊

TapFluencer

hindi po. ayoko kasi magsisi sa huli. ayoko magkaron ng gestational diabetes, uti saka pabilihin ng glucometer kapag lumaki na ang tyan ko. kaya kahit anong iharap sakin basta alam kong bawal, it's a no for me πŸ˜… better safe than sorry.

ako po, hindi po talaga ako mahilig ng softdrinks ,hindi ako umiinum pro may time na dko po alam na buntis pala ako, binigyan ako ng coke kasi may handaan..ininum ko naman pro kalahating baso lang...first baby po, 33 years old .

Nope mahigpit ako sa sarili ko.. Dinisiplina ko sarili ko talaga na di lahat ng gusto ng bibig ai masusunod.. Mas ok pa din ang safe lahat ng kainin ko para di ako maguilty sa bandang huli

VIP Member

Konti lang hindi ko din nauubos kase minsan hindi na maganda lasa mas better inom nalang ako yakult πŸ₯° Alternative atleast pag marami nakain maganda digest, isang yakult sa isang araw solve nako

Oo kht anong soft drinks umiinum ako. Minsan kasi gusto ng katawan ko ng soft drinks. Pero hnd nmn mdalas kpag nghahanap lng tlga. Pero sabi ng o.b ko wg dw madalas sa soft drinks kasi maasukal.