1st month - never ending cycle

Naiiyak nalang ako minsan, madalas pala pinipigil ko lang. Ayaw tumigil kakadede sa akin lalo na pag gabi to madaling araw. unli hele. tapos pag nagsawa. Papaburp ko. Pag burp magigising. Tapos ulit nanaman sa umpisa. Minsan nasisigawan ko sya. Or na sshake. Wala na akong pahinga. Makikita ko nalang umaga na. Ako rin ang nag bibilad sa kanya sa Umaga. Ang ending hilong hilo na ako sa Antok. Sa umaga naman pag sasabayan ko sya, hindi na ako makatulog. Hangang sa mag gabi nalang ulit

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same mi. gabi gang umaga mababaw tulog ni baby 1month din. ending bitbit ko sya sa time na un kc nagigising sya pag ginagalaw.. kaya parang konti nalang mababaliw na ko sa pagod at puyat. napagod din ako kakapadede kc hindi ko talaga sya masabayan ng tulog kc parang every hr nadede sya.. so matutulog palang ako e pagising na ulit sya. 2 lang din kame ng husband ko sa bahay.. pag may work sya mag isa lang ako. solusyon namen after work nya sya bantay, naka formula c baby kahit 7pm to 11pm lang para maka tulog din ako kahit konte.. kung may ibang pwedeng bantay sa baby mo ganyan din gawin mo mi kung anung oras convenient sa mag babantay para kahit papano makabawi ka kahit ilang oras lang.

Magbasa pa