Stress

Naiiyak ako kase sinabihan ako ng bf ko na “ Ang panget mo na nga, Ang panget pa ng ugali mo “ Sobrang nakakabababa ng self confidence yun. “ Buti sana kung maganda ka, Sobrang puti mo, sobrang sexy mo, Matatanggap kopa. Kaso ang panget mo na nga ang panget pa ng ugali mo! nakakahiya ka “ at ang dami nyapang pinagsasabe saken na sobrang kinaiyak ko. Nag away lang kami dahil napahiya siya sa mga tropa nya dahil di ko pinayagan mag inom tapos sasabihan nya ko ng kung ano ano? Na porket ang yabang ko na, Mapagmataas na daw ako, susuntukin na nga dapat nyako nakailang beses siyang aakmain ako ng suntok “ Kung hindi ka lang buntis nasapok na kita “, “ Nauurat ako sa mukha mo ang sarap mong sapakin napaka panget mo “ Tapos madami pa na kung ano anong masasakit na salita ang sinabe nya saken. Walakong magawa kundi umiyak nalang, Tapos maya maya nag sorry siya “ ikaw kase eh, Gusto ko lang naman baguhin mo yang ugali mo “ Hindi ko alam kung mag sstay parin ako sa mga nasabe nya. Gusto ko na lang makipag hiwalay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko???

65 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pag aawayan nyo lang ulit yan pag pinagbalawalan mo sya uminum. siya may problema sa ugali niya. hindi siya healthy kasama sa pag pagbubuntis mo at right after na manganak ka , pagpapaqlaki ng bata.

Hiwalayan mo na yan. Yung awayin ka nga at pagbantaan na sasaktan yun pa kayang sabihan ka ng panget. Eh sya dapat nagbibigay ng assurance sayo na maganda ka. Ibig sahihin nyan napapangitan sya talaga sayo.

ang bastos nya po. hindi mo deserve ang ganyan. mahilig pa mag-gaslight. Sya na mali, sasabihin pang "ikaw kasi". Iwan mo na yan as early as possible. he should lift you up, not bring you down.

Nagaaway din kami ng asawa ko pero never nya ko sinabihan ng ganyan. If may gusto sya baguhin sakin sinasabi nya ng ayos sakin. Mental and emotional abuse yan momsh.

Ang siraulo ng bf mo sis. Napaka sensitive pa naman kapag buntis. Ako nga simpleng salita dinadamdam ko na e. Yun pa kaya sabihan ka ng ganyan mas masakit😭

Iwan mo yan, nang matauhan kung ano nawala sakanya. Siraulo pala siya eh, di ka naman mabubuntis kung di niya sinasaksak sayo ari nya. Bwisit sya kamo.

Leave. That's mental and emotional abuse. Ganyang bagay pa lang dami na nasabi sayong masasama what more pa kung may pagsubok na kayong haharapin.

Bf mo pa lang yan ah, what more kung naging asawa mo pa. Ano pa pwede nya sabihin sayo. Hiwalayan mo na yan girl. Hnd mo deserve ganyan.

VIP Member

nako mahihirapan ka magbuntis hanggang sa panganganak mo kapag kasama mo sya. kawawa kayo ng magiging anak nyo... hiwalayan mo nalang

Kastress talaga yan. Iwan mo nalang kung ganyan ka lang nya tratuhin. Hindi maganda na hinahayaan mong bastusin ka ng partner mo.