stresssssssss

Naiistress na po kasi ako kakaisip sa baby ko. 28 weeks na po siya sa loob ng tyan ko pero pang21 weeks pa lang po yung weight niya ๐Ÿ˜ญ tsaka kinakabahan po ako kasi nagkachicken pox po ako nung 1st trimester at nagtake ako ng antibiotic, hindi ko po kasi alam na buntis na ako nun, irregular po kasi talaga ako magkaroon ng buwanang dalaw.๐Ÿ˜ฃ Nakakainggit po kasi yung iba, malaki na tyan nila sa 28 weeks samantalang yung akin pang 3 months pa lang huhu. Healthy naman kinakain at iniinom ko. Jusko sana okay lang po talaga ang baby ko kasi magalaw naman po siya, yung weight niya lang po talaga.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag ka masyado pastress mas lalo maapektuhan si baby. Magpa CAS ka pra mlaman yung condition ni baby. Kapag normal naman, wag mo na problemahin masyado ang weight. Kain ka lang ng kain, inom ng mga prescribed vitamins at maternal milk. Lalaki din yan si baby at mas mabilis ang panganganak mo kung di sya gaano kalakihan. Paglabas nya, saka mo patabain ng bongga๐Ÿ™‚

Magbasa pa
4y ago

Yes po. Tapos na po ako nagpa-CAS and wala naman pong problema sabi ni OB, yung fetal weight niya lang po kasi hindi angkop sa gestational age niya ๐Ÿ˜” btw, thank you po. โ˜บ

Relax lang po mumsh mas lalo makakasama kay baby kapag stress ka. If worried ka po talaga consult your OB may mga test naman po like Congenital Anomaly Scan na makakatulong. And most importantly pray po kayo na healthy si baby. Will be praying for you and your baby mumsh. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ™

4y ago

Kung alaga ka nmn ng ob momsh wala kang dapat ipag alala kc bibigyan ka nya ng vitamins para makahabol sa laki yung baby mo. Basta wag kna mag isip ng mga bagay na stressful eat healthy foods ka po and keep hydrated๐Ÿ˜Š iingatan tayo ng panginoon๐Ÿ™

VIP Member

Relax ka lang, ako nga nagkaroon ng pneumonia nung buntis ako sa first baby ko at di ko rin alam na buntis ako non. Okay naman yung baby ko, katunayan 8 years old na sya ngayon tapos lagi pang top sa class and di rin lapitin ng sakit at malusog naman.

4y ago

โค Good to know po, mommy. Sana nga po okay lang talaga baby ko, dinadaan ko na lang po sa dasal at pagsunod sa lahat ng bilin ng OB ko. Salamat po sa pagshare ๐Ÿค— and God bless po sainyo .

VIP Member

Sbi nmn po nila yun daw po ang isa sa pinaka deliko pag buntis ang magka bulutong . ๐Ÿ˜” pray lng mommy . Sana mging ok c baby pag nagpastress ka lalo po syang maaapektuhan .

4y ago

Yun nga po eh kaya nag-aalala ako. Tsaka wala rin akong pre-natal check up nung 1st trimester kasi lockdown po nun. Umaasa lang ako sa google kung anong safe inumin na antibiotic for pregnant po para sa chicken pox. Nagpa CAS na ako and normal naman po lahat, yung weight lang talaga ni baby kasi hindi angkop sa age niya. ๐Ÿ˜” Anyways, salamat po sana talaga maayos lang baby ko. ๐Ÿค—

Inom ka milk mommy saka kain ng marami para tumaba si baby. Saka more water. Positive lang mamsh baka pati stress maka apekto kay baby. โค๏ธ

4y ago

Yun lang po kasi di ako masyadong mahilig kumain eh, may times lang po na napaparami kain ko kapag gusto ko talaga yung food. Konti lang po nakakain ko every meal pero may miryenda naman po kapag umaga at hapon. Sana lang po talaga okay lang baby ko ๐Ÿ˜‡

Pray lng momsh. Tiwala lng po okay baby mo. Continue Po kayo sa pagkain ng healthy foods and drinks

4y ago

Opo, salamat po.

Pray lang mommy na good si baby.๐Ÿ™ at wag ka isip ng isip pag stress ka, stress din si baby.

4y ago

Opo. Salamat po โค

Mag anmum po kayo and sundin lahat ng bilin ng ob. Also donโ€™t forget your vitamins po :)

4y ago

Yes po. Sinusunod ko naman po bilin ni OB kaso yun nga nakakainggit pa din po talaga sa iba hehe

Related Articles