Binyag

Naiirita na ako, mga mamsh. Yung asawa ko kasi gusto isabay yung binyag sa first birthday, para daw isang handaan nalang. Okay lang naman kasi sabi niya bobonggahan niya, yun na rin kasi nakasanayan sa kanilang pamilya. Pero gusto ng pamilya ko binyagan na agad, gusto kasi nila isama sa probinsya ng isang linggo. Sabi ko isama nila walang problema, pero pinipilit nila akong ipabinyag. Paulit-ulit na sila naririndi na ako kasi gipit na gipit pa kami at baon pa sa utang na pinambayad sa panganak ko kaya wala pang pera ipanggagastos sa binyag at gusto talaga ng asawa ko na isabay sa first birthday pero sila gusto nila agad agad. Naiinis lang ako kasi pinapangunahan nila kami, at sobra na talaga akong nainis nung sinabi nila na sila na daw magbibinyag sa anak ko. Mga mamsh, ano gagawin ko? Huhu. Napepressure na ako.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi naman kailangang bongga ang binyag momsh.. mas maaga mas magandang mabinyagan si baby. Layuin sa sakit. Kung ako sayo pumayag ka ng pa binyagan kahit simple lang. Ang importante yung blessing ni god. Sa 1st bday na lang kayo bumawi sa bisita