MIL na bida bida

Naiirita ako sa MIL ko. Nung monthsary ni baby, cchat ako ipaghanda daw namin si baby kahit pansit at cake lang. Akala mo naman may patago si accla or may pasend gcash na pang cake or pansit, wala naman. Nireplyan ko na lang, β€œopo, meron naman po talaga”. Bida bida. Nagbbigay sya na panggatas yes, isa dalawang beses pero kinukuha lang din naman ng anak nya sakin pamasahe paoffice. Kakairita sila. πŸ˜‚ PS. Daming nanay na triggered sa post na to πŸ˜‚ I understand. You don’t know where I’m coming from. Understandable β™₯️ AUTHOR HERE: First, may panghanda po ako. And pinaghanda ko ang baby ko. Kahit di nagbbigay yung anak nya ng funds sa min kasi may work naman ako. 😊 Secondly, may budget din po ako for milk ng baby ko 😊 and knowing that ng husband ko na junakis nya, kinukuha nya bigay ng mudra nya πŸ™‚ Third, wala ako balak ipasagot sa MIL ko yung panghanda ng monthsary kasi may pera ako at may stable job πŸ™‚ Ang pangit lang kasi ng dating sakin na hindi na nga maayos na provider yung anak nya, kung magremind sya akala mo e napakagaling na provider ng anak nya. Binebaby nya kase πŸ˜€ Ikinuha nya pa ng bayarin uung anak nya kung kelan manganganak na ko. Yung anak nya nga wala pa naccome up na funds na pambayad sa hospital kasi umaasa sya sa maternity benefits ko πŸ˜‚ Dinagdagan pa bayarin monthly kung kelan magkakaanak na sya πŸ˜‚

39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mi swerte mo nga nagbbigay pang gatas MIL mo ung biyenan ko never nagbigay hahaha pero may pang bigay sya sa mga lalaki nya. Wala syang gastos since birth mga anak ko. Buti nalang mabait ang mama ko sya tmtulong smin mag asawa. I understand kung walang wala talaga eh kaso sa mga lalaki sya nagbbgay ng pera Ps: may knkasama sya habang nanlalalaki

Magbasa pa

masyado din bida bida mga nagreply dito. mga kapwa babae nga naman wala ka talaga aasahan. hindi naten alam buong kwento nila. isang bahagi lang siguro yan ng kung ano mang di nila pagkakaintindihan. sila lang nakaka alam nun. kaya mga nanay dito na masyado ding magsalita preno preno.

2y ago

Exactly, di natin alam buong kwento. So why post things like this kung ayaw masabihan? pinublic nya e natural marami makikisawsaw. Think before you click 😌

Di mo kase inayos yung nauna mong post sis,gg ka masyado dun syempre mas lalong di namin alam yung full context kasi di mo nman pinaliwanag ng maayos yung side. Nanghula lang din kami. Ngayon na nag-comment kami kasalanan pa namin pati tuloy kami na walang alam sa story mo naging bida2x na din.

edi sana sinabe mo wala kayong pera pang handa maiintindihan naman yun di yung uugali ka te di naman nila obligasyon bigyan kayo pang handa .. madali lang naman mag sabe ng wala kayong budget tpos ang usapan nag mukha ka tuloy masama sa pinost mo ..

Share ko lang, i’m a ftm and nung mag jowa pa lang kami super ok kami ni tita. Kaso nung pag labas na ni baby, sakanila kami ng ilang araw, ayaw ko yung nagtuturo na pagalit ang boses. Alam ko kailangan pa kong turuan kasi ftm kaso nag iiba awra eh πŸ™„

TapFluencer

Pasalamat ka may paki ung MIL mo s anak mo. Ung iba dyan walang care s apo. Be thankful lalo na't may ambag naman palang milk para s kid mo. Baka siguro muka kang incompetent kaya minamamduhan ka. or talagang may issue ka s MIL mo.

2y ago

kaya nga, post pa kasi dami rin tuloy nag aaway dito sa comment section.

nways sender hayaan mo nalang... may ganun tlaga sitwasyun na feeling mo bida bida iba kz way natin ie... or tingin natin... forget mo nalang po... ang gsto lang nia ay paghandaan ang apo nia sau... un lang po...

Masama ugali neto for sure Hahaha di kpa magpasalamat nagbibigay ng pang gatas sainyo, malaking bagay din yon. Saka obligasyon mong bigyan ng pamasahe anak nya kung asawa mo yon.

2y ago

Omsim

I feel you Mommy, sometimes di talaga naten kasundo ang MIL dahil minsan kontrabida tlaga sila sa mga buhay naten. May mga mothers kasi na di nila matanggap yung nagiging partner ng anak nila.

VIP Member

Lol nanay ng asawa mo yan. Sabi nga ng matatanda mawalan kna ng respeto sa nanay mo wag lang sa biyenan mo. Alang naman sila bumuhay sa anak mo. Ikalma mo sis, baka pag tanda mo ganyan maranasan mo.

2y ago

Pinagsasabi mo? Basahin mong mabuti comment ko wag ka sasagot nalang bigla. Okay?