14 Replies

Ganyan din ako. Yung nanay ng LIP ko parang gusto ako paglinisin ng buong bahay nila araw araw. Hnd man sya straight to the point sakin pero ramdam ko kasi pagg nagmumura sya "tangina nyo hnd man lang kayo mag ayos dto" hnd ako kumikibo. Hnd pa ko buntis naglilinis nako ng bahay nila kaya lang nag wowork ako so hnd araw raw malilinis ko ang bahay nila. Nung minsan ako naglinis ng bahay nila grabe ang burara ng kapatid pinaghubaran kasama pa underware nasa sala josko. Sabi ko ayaw ko na hnd ako katulong dto. Ngyon buntis naman ako sandamakmak na urungin lagi pinauuromg sakin uurungan ko ng tanghali kinagabihan gagamitin pag gising ko ng umaga kasama na mga kaldero at kaserola ang lalaki pa. Sabi ko sa LIP ko hnd muna ako mag uurong at sumakit yung balakang ko. Tapos kapag nakikita ako ng nanay nya nakahiga nag iinit ang ulo. Panay dakdak na. Pero hnd ko nalang pinapansin kaya lang nakakarindi din po. Tapos parang hnd sila excited sa unang apo. Dto din natutulog sa kwarto namin ang lakas pa maghilik. Hnd ako nakakatulog mg maayos tapos sa umaga pa bubulyaw na akala mo walanh kasama na natutulog sa bahay okay lang kung hnd ako bujtis magbunganga sila maghapon dun kaya lang ilang oras palang sleep ko. Kayaa kapag nanaganak ako uuwi na ko samin. At papasyal nalanh kami dto etong LIP ko makananay. Mamili nalang sya kung nanay nya o yung anak nya.

Bakit kaya ganyan ang mga byenan. Ako naman gusto sa center mag pa i ject ng anti tetanus kasi libre daw. Wala naman sakin kung may bayad basta prescribe na ng doctor. Nanghihinayang sa libre at isa pa hnd naman ako hihingi sknila pambyad eh. Yung sahod nga ng anak nya skanya lang napupunta sa buong pagbubuntis ko ang ambag lang LIP kunin yung inorder ko na pagkain ipaghain ako minsan samahan sa ob. The rest wala na para akong single mom. Feel ko pa hnd sila excited sa apo nila. Parang hnd ako buntis kung ituring nila. 🤣

Ganyan din ako mamsh problema ko dn ngayon yan sa bf ko. hnd pa kame kasal kc sundalo sya need pa ng 3 yrs in service bago sya maikasal next year pa yun pero mgkakababy na kame sa august kambal pa. hnd naman sya ang panganay may kuya sya na bakla may work din sa call center pero sya padin ang inaasahan ng magulang nya. 😔 hnd dn naman sa nagdadamot e kaya lang kambal ung anak nin unexpected naman na ganon e nagloan na ung bf ko noong d pa ako buntis para maitulong sknila e. ngayon na magpapamilya na ung anak nila parang d padin sila ready dun. panay parin ang pressure nila sa bf ko sa mga gastusin nila. e malalakas pdin naman sila ala cla work puro sa bf ko ang daing. naaawa dn ako sa bf ko kc halos ala na sya nabibili para sa sarili nya dhil sagad sagad sahod nya. pati pagpapacheck up ko sa ob kinukwestyon nila bakit d nlng daw sa center para makatipid. 😔 e kambal anak ko at may trabaho naman bf ko bakit dun nila ako gusto ipacheck.. mabait lang kc ung bf ko kaya kinakaya nya kahit hirap na d dumadaing kahit kapos na.. diko dn alam pano sasabhn ng maayos saknya un na sana mag ipon dn para sa future ng mga bata. lalo na x2 ang gastos namin

Actually mahirap po tlaga yan mommy.. And ang mas mahirap is ganyan na ang culture na kinalakihan naten.. hindi naman sa nagdadamot tayo kasi for sure sa parents mo gusto mo din sila matulungan its just that hindi tlaga sapat.. And bilang nanay, iniisip na naten ang future ng mga anak naten the moment na narinig naten ung heartbeat nia.. i am also sure na ayaw mong mangyari yan sakanila, yung maging dependent tayo sa kanila kapag tumanda na tayo, and sila nanaman yung mahihirap.. so what should we do to stop this from happening to our children? plan for your retirement, kumuha ka ng life insurance with investment.. did you know that as low as 60pesos a day masesecure mo na ang future ng mga anak mo.. message me and let me discuss to you how.. i know you just want the best for them..

Check niyo ung replies niya, puro ganyan, as in copy paste benta ng insurance. 😁

VIP Member

Ahahaha! Same tayo! Apir! Yung tipong akala mo siya lang anak nila na pwedeng kunan ng pera. Imbles na mapunta sayo ng anak mo inuuna niya pamilya niya. Kasi feel na feel na yung "pasanin ang buong daigdig" na drama. Ahahaha! Anyway, sabi ko na lang sa partner ko na wag niyang hintayin na may masabi side ko sa kaniya, kasi mabait kami, pero iba kami magalit. 💪 Ayun naman. Mejo nagbabago naman na. Kahit pakonti-konti. Buti na lang may sarili akong pera. Kung hindi nganga ako ngayon...

Same po. Sarili ko din pera ang binabayad ko sa check up ko.sa pag bili ng gamit ng gamit ni baby. Buti may cc din ako kapag kapos sa cash. Yunh ambag ng Lip ko sundin nalamg utosnko galit pa. Tapos kapag may pagkain ako na binibili sinasabi ang mahal daw kahit hnd ko naman skla hinihingan ng pera. 🤣

Mumsh ang bumukod po ang solusyon sa problema nyo. Need mo kausapin asawa mo na magsarili na kayo kasi nagsstart na kayo ng sarili nyong pamilya. Yan talaga ang pinagdiinan ko sa hubby ko na after ng kasal kahit magrent okay lang sakin basta nakabukod. Iba din kasi ugali ng lalake pag nasa poder ng pamilya nya kahit gano pa kabait. Kapag kayo lang kasi dalawa, pareho kayo matututo sa lahat. Higit sa lahat wala kang stress kasi wala kang pakikisamahan.

Kausapin mo mamsh. Sabihin mo okay lang ang tumulong. But not to the expense na kayo na ng anak mo ang nahihirapan. Nakasaad din sa bible yan. Na sa oras na mag asawa na,ang responsibility natin ay nasa asawa at anak na natin na binuo natin. Saka na sumunod ung sa magulang. Nasa bibliya din po yan at nasa batas din yan. Ipaliwanag mo na okay lang tumulong sa pamilya niya,pero wag naman ikaw kalimutan na asawa niya. Nakakahiya din naman sa pamilya mo.

VIP Member

You have to take one step at a time mamshie kayo ni mister. Learn to stand on your decision. Since you will be having a baby, iprioritize nyo ang family nyong dalawa over jan sa family ng asawa mo. Kahit anong gawin nyo kultura na natin yang lga Filipino. Kahit magoaliwanag pa kayo sa byenan mo may lasa sabi pa din sila. Ang maganda, bumukod na po kayo. Sbhn mo si mister.

VIP Member

Magasawa na po pla kau bat d po kau bumukod kausapin mo po maaus asawa mo kc priority nyo na pamilya nyo ndi na po cla pde nmn tumulong pero ndi na po ung lagi dhil ikaw need na asikasuhi wag po lagi mainit ulo mommy kc buntis po tau kalma dapat lagi sa lahat ng oras lahat po ng problema may solusyon bsta kikilos po tau..pray din po kau lagi for safety😊👍🏻

alam mo sis ganyan na ganyan ang sitwasyon ko buntis palang ako nun abusado na byenan kong babae. hanggang ngayun na 8 months na baby mas lalong naging abusado byenan kong babae. kaya 4 months lang akong tumira sa byenan ko umalis nako hindi ko matiis ang ugali ng byenan ko.

kung ako sayo girl umalis na kayo dyan at magbukod na kayo kasi mahirap kasama ang byenan..kahit na nag iisang lalaki yan kelangan nyo pa rin bumukod..ganyan din asawa ko nag iisang lalaki pero wala kaminsa puder ng magulang nya.

Trending na Tanong