Midwife

Naiinis ako sa midwife ko kasi nung una maling date binigay niya sakin sa appointment ng ultrasound ko. Naiintindihan ko naman baka nagkamali lang pero ngayon naman may appointment ako sakanya today, di niya kami sinipot ni text wala. Nung tinawagan ko siya hindi siya sumagot, nag text rin ako kaninang umaga na nandito na kami sa building kasi nag-advice yung isang staff dun na tawagan or itext siya pero gumabi nalang wala pa ring reply. Buti nalang andun yung partner niya, ang sabi sakin bukas pa daw siya magtatrabaho(si midwife) eh hindi niya naman kami ininform na wala sya sa araw nang appointment. Gusto ko sana lumipat kaso nga lang ang hirap maghanap kasi puro sila fully booked. ? Pinuntahan niya ako sa bahay nung unang kita namin kasi hindi ako pwede makaalis, so ayon para magaan saming dalawa ako na nag-insist na puntahan siya kasi nakakahiya kung papapuntahin ko pa siya sa bahay.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan rin ob ko. Unresponsive sa mga calls texts. Lipat kana lang po

4y ago

Kainis nga eh. Ung tipong may konting masakit lang sayo di niya mareplyan dapat talaga puntahan mo siya. May bayad na may effort pa. ๐Ÿ˜ Baka matanda na po ubg midwife nyo