Nahulog si baby sa bed namin na ang taas ay halos 2 pinagpatong na kama lang. Syempre umiyak sya then after okay na sya back to normal. Natatakot lang ako na kahit mababa yung pinaghulugan nya. 5 months na sya. What should I do po?

36 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Check niyo lang ang ulo ni baby na walang mga bruises at bukol na masyadong malaki. Maglagay ng compress kung may bukol para bumaba yun swelling. May bukol o wala, best to ask your pedia parin just to make sure

Nahulog din ang baby ko nung 6 months sya sa crib! Hay ang takot namin. OK lang mamsh, double check lang na walang bali o mga sugat. Kung may bukol, lagyan lang ng cold compress para bumaba ang swelling.

2y ago

kumusta po baby nyo? okay nmn po ba? sa crib din kase nahulog baby ko

VIP Member

si baby ko po nahulog din 4 months old. Tapos nahulog ulit nung nag 6 months lang po siya. Kawawa nga . Nagsugat ung labi. ang bilis na kasi umikot. Gumagapang na din kaya kailangan bantay bantay talaga.

VIP Member

Check po for mga warning signs like inantok, projectile vomiting at mga bukol. Be sure to inform your pedia about it para ma-advise kayo if you should proceed to ER or not.

Bsta wla nmn masakit sakanya or hnd nmn nagiging iyakin.. wla lng Yan.. Mahirap na ung kunti kunti lng dala agad doctor.. ikaw nga doctor nya kaya observe mo muna baby mo

Wag nyo po ptulugin agad ang baby kasi may kakilala po ako nahulog yung baby sa kama pinatulog agad habang lumalaki ang bata nagkaproblema sa mata parang nabanlag.

Double ingat momma, kc pag nagsuka si baby pag nahulog itakbo niyo agad sa hospital kc my cause of sudden death,ganun kc nsnyari sa kapit bahay namin, advise lang po thanks 😀

nahulog si baby ko sa papag kahapon nagkaroon ng pasa yung chin niya pero diko pa siya pinapatignan sa pedia niya okay naman siya sa loob ng 24 hrs pero nag woworry pa rin ako.

5 months din nung nahulog si thalia sa kama . But until now wala naman effect ung nangyari since nahulog si baby sa bed

Bring nyo po sa pedia para macheck ng mabuti. Nalaglalag yung pamangkin ko din dati and madaming tests pinagawa ng doctor to be sure na okay si baby.