Pagbibigyan niyo ba asawa niyo kung nahuli niyo siya na may intensyong magloko?
Nahuli ko asawa ko na nakikipag chat sa 2 babae, sa nabasa ko masasabi ko na getting to know stages palang siya dun sa dalawa. Yung dalawang babae ay hindi mag kakilala at nakilala niya sa magkaibang group of friends niya. Yung isa, tinatawagan pa niya pero hindi siya sinasagot, Tingin ko may gusto siya dun. Dahil nka heart pa siya sa profile pic ni girl. Pero mukhang hindi siya gusto dahil madalas siya dedmahin nito. Pero consistent mag chat yung asawa ko para mangamusta kaya napapa reply si girl. Yung isa naman sumasagot, hindi ko naman masabing ng fflirt sila sa usapan nila pero madalas sila mag ka chat. Sa pakiramdam ko, interisado yung asawa ko sa kanila at kung hindi ko pa nahuli baka tuluyan na nga siya magloko kung meron mahulog sa kanya sa isa sa mga babaeng to. Hindi pa naman kami katandaan 29 ako yung asawa ko 34. Akala ko masaya naman kami lalo na may 1 year old na kami. Mag 7 years na din kami nagsasama. Nag usap na kami tungkol dito. Inunfriend niya na yung dalawang babae. Pero ang problema ko nawalan na ako ng tiwala sa kanya. Minsan matutulog nalang kmi at palihim kong ichecheck yung cellphone niya pero wala akong nakikita na. 3 weeks na simula nung nahuli ko siya at dahil lockdown every weekends nalang siya umuuwi dahil sa trabaho. Natatakot ako, naiisip ko na baka may k chat nnman siya hindi ako sigurado. Naiisip ko na baka nag dedelete n siya pag umuwi siya. Sinubukan ko na siya kausapin sa nararamdaman ko pero nagalit siya sabi niya sa akin nababaliw na daw ako. Sinabi ko na normal lang cguro na mawala yung tiwala ko. Pero natapos lang usapan namin sa away. Ngayon parang feeling ko emotionally tortured ako. Parang wala akong karapatan na maging ganito. Ako ba talaga ang may problema? Please anong dapat kong gawin?